ISANG HIMALA para kay Marlo Mortel na ngayon ay buhay pa siya at masayang ginagawa ang trabaho niya sa showbiz. Ayon sa binata, muntik na siyang mamatay when he was 5 years old.
“When I was 5 years old, I almost died. Nag-50-50 ako because of asthma. So nabutas po ‘yong lungs ko. So nung nabutas ‘yong lungs ko nag-purple na daw ‘yong katawan ko and sabi ng mga doctor mabubuhay lang daw ako pagka kinabitan ako ng tubo,” pagre-recall ni Marlo.
Ayaw pumayag ng parents ni Marlo sa gustong mangyari ng mga doctor kaya matinding panalangin ang ginawa ng mga ito para makaligtas si Marlo.
Kuwent niya, “Do’n nga pumapasok ‘yong power of prayers dahil ‘di pumayag ‘yong family ko na kabitan ako ng tubo. Kasi magiging gulay na lang ako forever if ever, ‘di ba? Talagang nag-pray sila lahat ng mga kamag-anak namin.
“You know, they prayed for me and then they transferred me to another hospital. Kahit medyo malayo and medyo risky dahil it would take an hour, I think, to get there.
“Tineyk nila ‘yong chance dahil ayaw nila ako mawala and pagdating do’n sabi nu’ng mga doctors I was just right on time. Kasi ‘pag medyo na-late pa baka wala na ‘ko dito. And sabi nila, ‘yon nga, nangyari sa’kin. Parang one in a hundred thousand ‘yong gano’ng kaso and I’m alive.”
“’Di nila ako kinabitan ng tubo. Ginamot nila ako through proper medication and, of course, I believe that God saved me,” dagdag niyang pahayag.
Si Marlo ay kasama sa pelikulang Suarez: The Healing Priest ng Saranggola Media Productions na napapanood ngayon via Upstream.Ph. Ginagampanan niya sa pelikula ang role ng isang news reporter na napagaling din ang anak ni Fr. Fernando Suarez.