SOBRA ANG PASASALAMAT ni Marlo Mortel sa kanyang fans, lalo na sa bumubuo ng Marlo’s World. Idinaos ang fourth year anniversary ng Marlo’s World, ang fans club ng Kapamilya actor/TV host. Naging sobrang saya ng event na ginananap noong June 10 sa Casa Pura Garden Deck Hall.
Pinasalamatan ni Marlo ang kanyang fans sa walang sawang suporta nila.
“Sa fans ko, siyempre nagpapasalamat talaga ko, dahil ang tagal na, eto na, fourth anniversary na namin and nandidito pa rin talaga sila kahit anong mangyari. Through ups and downs, nakasuporta pa rin sila sa akin and sobrang thankful ako. And mahal na mahal ko talaga sila,” saad ng tinaguriang Boyfie ng Bayan.
Sa ngayon ay hinahanda na ang solo album ni Marlon at siya mismo ang gagawa ng mga kanta. Siya ay napapanood sa Umagang kay Ganda Mondays to Fridays at daily naman sa Knowledge On The Go sa Knowledge Channel.
Tinanong din namin si Marlo kung bakit sila nali-link ni Morisette?
Esplika niya, “Dati pa yun, na Boy Abunda na nga din kami, tig-isang interview kami doon eh, na parang tingin namin about sa each other eh. And then, naging close naman talaga kasi kami.
“Magkakilala kami matagal na, Pero naging closer kami last year, naging magka-date po kami sa Star Magic ball, medyo nagka-something pero hindi naman talaga to the point na naging kami, hindi naman,” nakangiting saad niya.
Dagdag pa ng binata, “Basta close po kami. Pero di lang namin sinasadya na ganoon. Basta sobrang bait na bait po ako kay Morissette. Talented siya, lahat, perfect,” nakangiting saad pa ng tinaguriang Boyfie ng Bayan.
Nabanggit din ni Marlo na sa ngayon, ang pagkakalam niya ay single si Morissette.
Sakaling ma-develop ka kay Morissette, hindi ka ba maiilang na ligawan siya?
Nakangiting sagot niya, “Hindi naman, hindi naman. Pero alam naman namin yung priorities for now. Career talaga, family… Ayun, inspiration siguro.”
Nabanggit din ni Marlo na may follow-up na ang naunang cover nila ni Kristel Fulgar na theme song ng Beauty and the Beast. “Mayroon na kaming follow up na kanta. Secret na muna. Antayin na lang natin na lumabas. Malapit na soon, katatapos lang namin noong isang araw. So, abangan na lang. And after niyon, mayroon pa ulit kaming gagawin.”
Puwede ba kayong maka-collab nina Kristel at Morissette sa album mo? “Puwede, oo. Actually, maganda talaga yung boses niya (Morisstte) and pareho talaga silang magaling kumanta ni Kristel. Syempre magkakasundo kami kapag marunong talagang kumanta. Hilig ko talaga yun.”
~0~
Jao Mapa, gustong maging active ulit sa showbiz
Thankful si Jao Mapa sa kanyang bagong pelikulang pinamagatang New Generation Heroes ni Direk Anthony Hernandez. Bukod kasi sa enjoy siyang gumawa ng indie film, sa naturang pelikula ay nakatrabaho niya ang veteran actress na si Ms. Anita Linda.
Isa si Jao sa apat na bida rito. Gumaganap na guro si Jao sa naturang pelikula. Mula Golden Tiger Films, tampok din dito sina Aiko Melendez, ang model/fashion and jewelry designer na si Joyce Peñas, Gloria Sevilla, Dexter Doria, Debraliz Valasote, Rob Sy, Alvin Nakasi, Aleera Montalia, JM del Rosario, Andrea Kate Abellar, at iba pa.
Ang peg ng role ni Jao ay si Efren Peñaflorida, ang binansagang pushcart educator dahil nagtuturo siya sa kalye sa mga streetchildren gamit ang kanyang kariton. Dahil dito, noong 2009 ay naging CNN Hero of the Year si Efren.
“My character here is, I owned a talyer tapos nangangalakal din at naisipan kong magturo sa mga bata na nangangalakal. It was based on the story of Efren Penaflorida, pushcard educator na nanalo sa CNN noong 2009. Ganoon ang ginagawa ko sa movie,” kuwento ni Jao.
Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat lang ako na may dumarating pa rin na opportunity para magamit ko yung aking kakayahan, ang aking talento. Lalo na rito sa mga ganitong pelikula, na isang advocacy movie.”
Ayon pa sa aktor, gusto raw niyang mas maging active sa showbiz ngayon. “Yes of course, gusto kong mas maging active sa showbiz. Lalo na kapag ganitong mga project, yung indie film.
“Kasi, enjoy naman ako sa paggawa ng project na ito, relax lang kasi at walang pressure. Lalo na kapag indie film, talagang nandoon yung respect. So, masayang katrabaho si Direk Anthony na ngayon ko lang nakatrabaho, masarap at masaya ang trabaho rito.”
Ang New Generation Heroes ay based on true events. Ito ay nagpapakita ng apat na klaseng guro na may kanya-kanyang kuwento. Makikita rito sina Salvacion Fajardo, Gener, Lolita at Cora, ang apat na indibidwal na humaharap sa iba’t-ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay.
Kung paano sila magpapakita ng katatagan ay siyang titimbang sa kanilang pagkatao. At kung paano sila gumawa ng desisyon sa bawat pagsubok ay siyang sasalamin kung paano sila hinubog ng panahon at mga leksiyon na natutunan sa buhay, na sa kabila ng kanilang pagiging ordinaryong tao, ay matatawag din silang mga bayani ng makabagong henerasyon.
Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio