I married my bestfriend: Rycharde and Thea Everley

1 Rycharde-Everley-Thea-Everley 2 Rycharde-Everley-Thea-Everley-Family Rycharde-Everley-Thea-EverleySABI NG iba, marriage is a lot of work. Mayroon nga naman Itong katotohanan sa maraming aspeto, ngunit para kay Rycharde at Thea Everley, to spend the rest of your life with your bestfriend makes things a whole lot easier.

Noong September 1999 nag-krus ang landas ng dalawa sa unang araw ng klase sa Royal Academy of Music in London. Magkaklase sina Rycharde at Thea sa isang postgraduate diploma course in musical theatre. Tadhana nga naman na magkatabi sila at nagkaroon agad ng pagkakataon na makapag-usap at maging magkaibigan. Sa unang pagkikita palang ay nagkagaanan na sila ng loob. Dahil nga sa nag-click agad sila, naging madalas ang kanilang paglabas for coffee bagama’t nanatili silang magkaibigan dahil na rin involved sila sa kani-kaniyang relasyon. May girlfriend noon si Rycharde sa London at si Thea naman, having spent two years in Rome before moving to London, ay nagkaroon rin ng Italian boyfriend.

Ilang buwan mula nang magsimula ang spring term ay nakatanggap ng tawag si Thea mula sa kanyang then-boyfriend na kailangan na nilang tuldukan ang kanilang long-distance relationship.  Feeling hurt, naging shoulder to cry on ni Thea si Rycharde, acting as a source of emotional support. Dahil sa open at handa silang makinig sa isa’t-isa, naging mas matibay ang kanilang pagkakaibigan.

Nang magkasakit si Rycharde, naisipan ni Thea na dalawin ito sa bahay. Tinawagan niya ito at unfortunately (or fortunately), girlfriend niya ang nakasagot. Kinabukasan, may cold war sa pagitan ng dalawa dahil sa nagselos ang noon ay girlfriend ni Rycharde sa tawag ni Thea. Nagpasya si Thea na sulatan si Richard about what that call was about at nang marealise ni Rycharde how much they really like each other, napagpasyahan niyang makipag-break sa kanyang girlfriend. November 1999 nang maging officially together ang dalawa.

Thea likes how light things are with Rycharde. Dahil swak ang kanilang personalities, making the relationship work felt like a breeze. Dahil na rin attracted si Thea to talented guys, kaya madaling nahulog ang loob ni Thea kay Rycharde who happens to have a great singing voice. He is also charming, funny, and generous — everything that Thea wanted in a partner.

In late 2000, napagpasyahan ni Thea na dalawin ang ilang kapamilya based in the US. Ngunit dahil na rin sa single-entry visa lamang pala ang naipagkaloob sa kanya hindi siya pinayagang makabalik ng UK. Sinubukan niyang mag-apply for a Masters degree at dahil conditional offer lang ang naibigay sa kanya ng university, she had to go back with a tourist visa. Nang magkitang muli sila ni Rycharde at dahil na rin sa takot na maulit ang ganoong pangyayari, napagpasyahan nilang huwag ng maghiwalay. They got engaged in the same year.

Due to Thea’s traditional upbringing, hiniling ng kanyang ama na bumisita sila sa Pilipinas as a couple para mamanhikan. Noong Christmas 2000, lumipad sina Rycharde at Thea sa Pinas upang hingin ang kamay ni Thea mula sa kanyang mga magulang. Rycharde expressed his pure intentions at Noong 2001 ay nagpakasal sila sa Swansea where Rycharde’s family is based.

Sa haba ng pagsasama ng dalawa, nakakatuwa how they describe their marriage to still be fun and light. Ani Thea, natuto silang maging open sa isa’t-isa at pag-usapan ang kani-kaniyang concerns. Bihira rin sila mag-away dahil lahat ay nadadala sa pag-uusap at mabilis na pagpapatawad.

Ipinagmamalaki nila na solid ang foundation nila dahil sa nagsimula silang magkaibigan at ngayon na mag-asawa sila ay they see to it that they do the things when they were still friends. They’re not only husband and wife but also the best of friends.

Sa ngayon, they have two beautiful daughters aged 7 and 11 at isa silang larawan ng masayang pamilya. Talaga namang inspiring ang mga istorya ng mag-bestfriend na nagkakatuluyan. Love can be easy, at ang relasyon nila Rycharde at Thea ang patunay na maaaring mangyari ito. They married their bestfriend, and they live happily ever after!

By Icy Anabo


Previous articleOne Fine day in LTO
Next articleStars enter London University!

No posts to display