FINALLY AY MAY ‘launching movie’ na itong si Mart Escudero, na produkto ng StarStruck ng GMA-7. Makalipas ang ilang taong paggawa nito ng TV shows and other movies na so-so o supporting roles lang ang napupunta sa kanya, sa wakas ay bidang-bida na si Mart.
Ito ay ang comedy-horror film na Patayin Sa Shokot Si Remington na unang dinig pa lang namin sa title ng movie noong kinu-conceptualize pa lamang ito at ni wala pa sa stage ng casting o audition, eh natawa na kami. Obvious na shades of Patayin Sa Sindak Si Barbara ang title kaya horror, at comedy rin dahil sa “shokot” o gay word for “takot”.
Ilang buwan ring nagpa-audition ang UFO Pictures/ Origin8 group for the lead role. Ilang ABS-CBN, GMA, and freelance young actors ang nagpa-audition for the coveted lead role ni Remington, na sa pelikula ay may leading lady – at may “leading man”.
Kung bisexual ba o may sumpa lang sa male character ni Mart na magiging bakla ito eh, malalaman sa kwuento ng pelikula na ang script ay nilikha nina Raymond Lee (he made the story rin), Mitchiko Yamamoto, at Jade Castro na siya ring direktor ng pelikula.
Si Lee ay siya ring co-writer ng In My Life at producer ng classic gay film na Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na si Yamamoto rin ang gumawa ng story at screenplay. Si Castro naman ang siyang nagbigay ng Urian best actor award for Jason Abalos sa Endo.
LAKING SUWERTE NI Mart dahil sa kanyang mga palad napunta ang bida role. Tinalo nito sa audition sina Jay Aquitania, Ahron Villaflor, AJ Perez, Dino Imperial, Randolf Stamatelaky ng TV-5, Kevin Santos, newcomer Jay-L Dizon, etc.
Here’s the catch, may kabadingang touch Din ang movie kaya hindi mawawala ang nakakalokahng scenes between a gay and a guy. At ang nagwagi for the “leading man” role ni Mart ay ang newcomer ding si Kerbie Zamora, na kundi kami nagkakamali ay nakagawa na rin ng indie na D’Survivors bagama’t ilang taon na rin sa fashion industry si Kerbie.
Pumayag si Mart sa kissing scene nila ni Kerbie, dahil kailangan ang eksena sa pelikula. Eh, bakit nga ba hindi eh, unang pagbibida naman niya ito, so wa na siya care pa kung makipaghalikan o makipag-tsuktsakan man siya sa kapwa n’ya hombre sa pelikula, no?! Ha-ha-ha.
Kasama rin sa Patayin Sa Shokot Si Remington sina Janice de Belen, John Regala, Roderick Paulate, Lauren Young, at si Ms. Eugene Domingo.
ISANG TAOS-PUSONG PAKIKIRAMAY po ang nais naming iparating sa pamilya’t mga kamag-anak ng yumao naming colleague na si Archie de Calma, “kapitbahay” nating columnist dito sa Pinoy Parazzi.
Pumanaw na ang ating katotong si Archie sa edad na 46 at ngayong Linggo ang kanyang libing. Diabetic na pala ito nang ilang taon, ayon pa sa kanyang nag-iisang kapatid na si Connie (dalawa lang sila), hindi lang nito naise-share sa co-writers niya, not until of recent years na bumagsak na ang kanyang katawan.
Isa si Archie sa mga hinangaan naming senior sa amin sa pagsusulat, noong fan magazine days namin in GASI, dahil sa husay niyang magsulat at may kakaiba, diretsang style, kung kaya’t kawalan siya sa movie writing industry.
Nadatnan namin sa second night ng kanyang burol ang mga bulaklak na pinadala ng ilang TV stations, managers, stars na nakiramay. Naabutan din namin doon si Coco Martin with Direk Dante Mendoza, at maya-maya’y dumating si Zoren Legaspi na hindi nakalimot sa pagsuporta kay Archie na sumuporta sa career ng aktor noong nagsisimula pa lamang ito sa Regal.
May you rest in peace, Ate Archie!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro