“I DON’T wanna do this anymore. I don’t want to sing, I’m so tired!” Ito Raw ang mga linyang binitIwan noon ng Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez, nang gusto na nitong mag-quit at huminto sa pag-awit, ayon na rin sa kuwento ni Martin Nievera.
Pagod ang dahilan ni Regine noon para iwanan ang pagkanta na ikinagulat daw noon ni Martin. At dahil nga paborito nito, hindi nga raw nito inakala na sasabihin sa kanya ‘yun ni Regine nang magsama sila noon sa show sa Amerika.
Kaya naman daw agad-agad na pinayuhan nito ang Song Bird at sinabing sayang naman if hihinto siya, samantalang sikat na sikat siya, bukod pa sa maraming mga tagahanga niya, including him, na malulungkot kapag huminto na ito sa pag-awit.
Nag-usap nga raw sila ng heart to heart at dito naliwanagan si Regine para ipagpatuloy pa ang kanyang pagkanta. Hirit pa ni Martin na kung huminto na noon si Regine, baka hindi na sila magsasama pa sa kanilang konsiyerto ngayon sa MOA na magaganap sa Feb. 14. ‘Di ba, Mike Nene?
FIRST IN the country na magkakaroon ng pelikulang tumatalakay sa pagmamahalan ng Indian at Filipino, kaya naman maituturing na pioneer sa bansa ang pelikulang Mumbai Love na mapapanood na sa mga sinehan sa Jan. 22 at pinagbibidahan nina Solenn Heussaff at Kiko Matos, kasama sina Jayson Gainza, Martin Escudero, Raymond Bagatsing, Jun Sabayton at introducing si Romy Daryani, mula sa direksiyon ni Benito Bautista.
Kaya naman daw proud na proud ang bidang lalaki rito na si Kiko, dahil ito raw bale ang kanyang big break sa pagbabalik niya sa showbiz, kung saan bida kaagad siya. Maaalalang bagets nang magsimula si Kiko sa ABS-CBN at biglang tumigil at nag-focus sa pag aaral.
At ngayong binatang-binata na siya ay nagdesisyon itong magbalik-showbiz at masuwerteng nakuha sa pelikula bilang lead actor. Thankful nga si Kiko sa producer dahil bukod sa tsansang binigay sa kanyang magbida rito, nagkaroon pa siya ng tsansang makarating sa India.
PAKIKILIGIN NG grupong UPGRADE na kinabibilangan nina KCEE Martinez, Rhem Enjavi, Armond Vernas, Mark Baracael, Rayomond Tay, Miggy San Pablo at Ron Galang at ng grupong Level Up Voys na kinabibilangan naman nina Lanz Evasco, Joshua Naval, JV Suzara, JC Barrientos, Stephen Del Rosario at Shiro Ogawa, at ni Teejay Marquez, at iba pa ang mga Caviteño sa January 18, 2014. Gaganapin ito sa GMA Cavite Sports Complex mula sa imbitasyon ni Niño Valenzuela.
First time nga raw na magpe-perform sa GMA Cavite ang UPGRADE, Level Up Voys at ni Teejay Marquez, kaya naman daw excited na ang mga itong awitan at sayawan ang kanilang mga tagahanga sa nasabing lugar.
Bukod nga raw sa performance na ibibigay nila ay may surpresa pa raw ang mga ito para sa kanilang mga tagahanga na magsisilbing remembrance sa mga manonood ng kanilang back-to-back concert sa GMA Cavite Sports Complex. Kaya sugod na!
John’s Point
by John Fontanilla