HAY NAKU! Kahit anong sabihin nila, si Martin Nievera pa rin talaga ang pinaka-type ko. Ang bait niya, lalo na’t personal talaga ang pag-asikaso niya sa movie press.
‘Di ba naisip nga niya minsan na nagluto siya ng burger para sa mga press na inimbitahan. Ang sabi niya kasi hindi raw talaga niya makakalimutan ang movie press na naging bahagi ng pag-usad ng career ng isang artista. Kaya sabi niya, sana raw makuha ng movie press ang respeto na dapat sa kanila.
Nagparating ito ng mensahe sa mga baguhang artista na dapat daw ay bigyan talaga ng respeto ang mga miyembro ng movie press na malaki ang naitulong sa kanilang career.
Sabi niya, “To all the young artists who are struggling with the press, you’re not gonna get where you going even if it’s not for the press. Even if they don’t like you, they will take to a place that you;ve never been before. So, now on my 32nd year in showbiz, I want to be very vocal about it. I may not pampered the press with gifts. I don’t like bribing the press. I don’t like giving money for Christmas. A lot artists do this hoping and praying that this small donation would give me good press, no. Respect cannot be bought. Appreciation cannot be bought.
“I want the press to know, whatever you say about me, I appreciate because I don’t know when I’ll be able to say infront of your face. So, whatever you say behind my back, I appreciate it. Their pen or tablet could make or break you. So, as early as now, appreciate it, hug a press. Hug someone from the media.”
Katatapos lang ng concert nina Martin at Pops Fernadez sa PICC at naging successful naman ito. Sa susunod na buwan sa Januray 3 ay may bago na naman siyang show, angThe Big Mouth Rocks a New Year na gaganapin sa Samsung Hall sa SM Aura.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis