OLA CHIKA! HALOS lahat ng Pilipino sa buong mundo ay nagsasaya sa pagkapanalo ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa laban niya sa taga-Inglatera na si Ricky Hatton. Sulit nga ang halos tatlong buwang pag-eensayo ni Pacquiao bilang paghahanda sa kanilang laban. Hindi pa nga tapos ang second round, tinapos na ni Pacquiao ang kanilang bakbakan.
Habang papunta pa lang ako sa aking programa sa radyo sa DZRH, hindi pa nag-uumpisa ang laban. Ngunit nang papaliko na ang sasakyan ko sa parking area, naloka ang beauty ko nang nanalo na si Pacquiao, at halos ang mga kasabayan ko
ay nagmamadali upang mapanood ang laban. Ngunit pagpasok pa lang nila sa Aliw Theater, tapos na! Sayang ang kanilang ibinayad na kulang-kulang sa P500.
Dahil bonggacious ang laban ni Pacquiao kay Hatton, hindi pa rin nawawala ang pustahan, na akala mo, manok na pinagkakaperahan sa sabungan. May ganu’n?! Sa pagkakaalam ko, malaki ang pustahan ‘pag napatumba ni Manny si Hatton nang hindi lalagpas sa 10th round. Dahil ‘pag napabagsak ni Manny ang kalaban matapos ang 10th round, kahit panalo si Pacquiao, talo pa rin ang pumusta. Nakakaloka! May ganu’ng pustahan?!
Sa 1st round pa nga lang, dalawang beses nang napabagsak ni Pacquiao si Hatton, at hindi na nga umabot ang huli sa 3rd round, umangal na ito’t hirap nang tumayo. Nakalerke talaga!
Sa labang ito, tila hindi papahuli ang mga ambisyosong nasa likod ni Manny, na ‘yung iba, may lakas pa ng loob na magbitbit ng bandila, na kapansin-pansin. At kung hindi ako nagkakamali, mayor ito.
Hindi nga rin nagpahuli ang ating mga pulitiko na kabila ng krisis na hinaharap ng bansa, nakuha pa nilang magpakasaya, kaysa magpasa ng batas at hanapan ng solusyon ang problema ng mga Pilipino. Hay, buhay nga naman!
Hindi rin pahuhuli ang mga bigating bituin, hindi lang sa ating bansa kundi maging Hollywood stars, nakinood din. At ‘yung iba, nagpakuha pa ng larawan sa magaling na boksingero ng ating bansa.
Hindi na nga basta-basta si Pacquiao, dahil kilala na siya buong mundo. Sa laki ng perang maiuuwi niya, tila hirap na siyang bilangin ang mga ito. May ganu’n?!
SA LABAN NI Pacquiao at Hatton, hindi maiiwasan ang intriga lalo na kay Matrin Nievera na napiling kumanta. Marami ang hindi nagustuhan ang pagkanta ni Martin sa Pambansang Awit natin.
Kapansin-pansing bukod sa siya ang unang lalaki na kumanta sa laban ni Pacquiao, siya lang din ang mga may background o tugtog, instead na a capella. Sa simula, ay slow ang beat ng kanta at nang nasa kalagitnaan na, bumilis na at ibinirit pa niya ang huli. Nakakaloka talaga!
Dahil marching ang tamang beat ng Pambansan Awit sa aking pagkakaalam, kaya hindi maiiwasang kutyain ang pag-awit ni Martin. I’m sure matagal ding pinagpraktisan ito ng Concert King, at pinag-aralan din niya ang istilo ng kanyang pag-awit ng Lupang Hinirang.
Sa opinyon ko lang, hindi kaya madaling kumanta sa gitna ng ring, habang nanonood at nakatingin sa ‘yo ang buong mundo. Pero bungad pa ng aking ka-chika, tila parang nag-lip sync ang concert king, dahil medyo nahuhuli ang buka ng bibig nito. Hmm… no comment ako. Baka sa reception lang ng TV, hahaha!
Ayon pa sa mga eksperto ng ating Pambansang Awit, kailangang magmulta ang concert king, dahila mali ang pagkakakanta nito, at hindi angkop sa tamang tono na nakasaad sa ating Saligang Batas. P20,000 nga raw ang multa, huh! Or else, makukulong siya. May ganu’n?!
Hindi pa nga tapos ang hidwaan nila ni Jomari Yllana, another intriga na naman ito para sa kanya. Naku, ano kaya ang sey ni Jomari? ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding