SA KANYANG NO-SHOW Startalk TX last Saturday, lumutang tuloy ang maraming ispekulasyon tungkol sa isa sa mga host nitong si Joey de Leon, kakabit ang pangalang Willie Revillame.
Pero bago muna lumundag sa konklusyon ang marami, pagsama ng pakiramdam ni Tito Joey ang dahilan ng kanyang non-appearance sa itinuturing niyang paboritong programa pagkatapos ng kanyang Eat… Bulaga! A self-confessed showbiz “tsismoso,” second to doing comedy na yata (and of course, TV hosting) ang naturalesang interes ni Tito Joey sa mga sariwa’t kontrobersiyal na intrigang nakapaloob sa mga kapwa niya artista.
But Tito Joey’s style of stirring up intrigues among his collegues is one that elevates showbiz news reportage to a higher level of wit, humor and spunk. No celebrity – big, small and in between – will ever take offense at JDL’s brand of showbiz hosting.
Kung maaari akong tumayong tagapagsalita ni Tito Joey in the midst of talks na kaya raw hindi niya sinipot ang Startalk TX nu’ng nakaraang Sabado ay dahil kay Willie, wala po itong katotohanan. For a program that is turning 15 years in October this year, that’s nearly one-fourth of GMA-7’s entire existence, having found a niche pagdating sa pagbabalita ng mga kaganapan sa showbiz, no doubt.
In a recent broadsheet item, ipinagtanggol pa ni JDL si Willie, saying na malalagpasan naman nito ang kanyang pinagdaraanang pagsubok, although it is a known fact na mahirap talagang banggain ang isang istasyon. Kung ito ang posisyon ni Tito Joey, imposibleng magtanim din siya ng sama ng loob sa GMA kung saan umeere ang Startalk TX na ilang taon na rin niyang kinakalinga.
Tito Joey knows where to put his two cents’ worth, isang tao both sensible and sensitive whose multi-media staying power speaks for itself. Hindi na niya kailangan pang intrigahin, much less connecting his name to Willie and his fate for reasons obviously known to the world.
HINDI DAPAT INUUPUAN lang ng staff ng Showtime ng ABS-CBN ang consistently soaring high na ratings ng programang Face to Face ng TV5. As of latest survey, Amy Perez’s first “talakserye” ever on Philippine TV scored a whopping 30.7% vis a vis its rival show na naka-26.5% lang.
Sa mga hindi po masyadong nakakaalam ng percentage in TV ratings, one percent translates roughly to 100,000 viewers/households. Given the disparity of figures na nakopo ng dalawang show, maliwanag na kinabog ni Ate Amy ang kalabang panoorin!
Hindi na nga ang turing sa Face To Face ay ‘di pangkaraniwang talk show lang, puwede na raw i-elevate ito sa News and Current Affairs ng TV5. And what’s more, meron nang docu-drama anthologies na ito inspired by real-life events involving its guests themselves! Bongga!
TULAD NG PAKO na nakabaon, pero litaw naman ang ulo, kilala kop o ang mga tumitira sa akin online. In fact, may ilan pa roon ang mga kapwa ko reporter. But eat your heart out, I won’t touch with you a ten-foot pole. Sana lang, itama n’yo ang grammar n’yo sa Ingles… how PATHETIC! Ha-ha-ha!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III