DIRECTOR JOEL LAMANGAN’S entry to the Cinemalaya Film Festival is Sigwa. Transposing the last two letters, and you will have Sigaw.
Ito mismo ang napala ng isa sa mga artista ni Direk Joel sa pelikula na si Marvin Agustin, na tinalakan nito sa telepono matapos umanong ngaragin ng aktor ang production staff sa dubbing schedule. Natural na meron daw hinahabol na deadline ang produksiyon, si Marvin ang itinuturo umanong cause of delay sa dami ng alibi nito kung bakit hindi siya available mag-dub.
Direk Joel had to do the calling himself, kulang na raw ay magmakaawa dahil nalalapit na nga naman ang showing nito. Nagtakda raw si Marvin ng dubbing sked, na agad namang isinwak sa time table ng production. Dumating ang takdang araw na ‘yon, may last minute changes daw mula kay Marvin who wanted the dubbing scheduled at six in the morning. Katuwiran ng aktor, bibiyahe raw siya ng alas-diyes ng umaga kung saang lupalop ng bansa.
Naloka siyempre ang staff, hindi naman daw kasi ‘yun ang oras na kanilang napagkasunduan. Agad nila itong ipinagbigay-alam kay Direk Joel, who had to call up Marvin again. Pero sa pagkakataong ‘yon daw, hindi na isang nakikiusap at mahinahon ang bumungad kay Marvin sa telepono, kundi isang galit na galit na direktor!
Gaano katotoo na pati ang umano’y misteryosong pagkatao ni Marvin (whatever it is, dahlin’!) ay ipinagduldulan ni Direk Joel sa galit nito sa aktor? Owning up to his fault, tameme lang daw si Marvin sa tinuran ni Direk Joel, na hindi man lang daw naidepensa ng aktor ang akusasyon tungkol sa limang letra sa wikang Tagalog na tinawag sa kanya ng premyadong direktor!
Kung isasalin sa wikang Ingles, Kuya Dan, three letters lang ‘yon.
TALK ABOUT THE state-of-the-art technology in news broadcast, mukhang kakabugin ng TV5 ang ilang organisasyon lalo pa’t puwede na itong ihanay sa CNN, Fox News, ESPN, Global TV and other news channels na world-class ang dating.
Pangako nga ng Kapatid network, in the coming days ay mapapanood na sa kanilang mga news programs ang tinatawag na leading edge virtual studio technology, kung saan makakasabay sa paghahatid ng latest news updates ang rich visuals at informative graphics on a real time basis.
No doubt, TV5 has become the innovator as it introduced touchscreen monitors and live pack technology on local broadcasting. Ito ‘yong wireless camera-transmitter setup that provides its news reporters the optimum flexibility in delivering the latest news reports whenever they may be deployed.
Through this sophisticated technology, hindi na kailangan ng nakagawian nang microwave vans at satellite trucks. Ows, ganito na ba talaga kabongga ang TV news department? Pahiram, kaibigang Roldan Castro… talbog!
Personal: Kaarawan ngayon ng dati kong boss at kaibigang si Cristy Fermin. Happy Birthday, Cristy. Mahal ka namin ng nanay ko. Teka, hindi ko pa natatanggap ang invitation mo sa tipar tonight, saan ba?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III