SA PAGSASAMANG muli sa inaabangang serye ng ABS-CBN na Flor de Liza ng sikat na loveteam noong dekada ‘90 na sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, ito ang naging daan para unti-unting magkaayos ang dalawa na minsang nagkatampuhan dahil sa hindi pagsipot ni Marvin sa kasal ni Jolina kay Mark Escueta.
Pero paliwanag ni Marvin, may dalawang rason daw siya kaya hindi siya nakadalo sa kasal ng katambal na si Jolina. Una nasa Cebu daw ito at nagbukas ng bagong branch ng Sumo Sam (Japanese restaurant). Pangalawa, gusto raw nitong maging sacred at masaya ang magiging kasal ni Jolens at Mark.
Ayaw raw kasi nito na sa kanyang pagdalo ay may mga taong titingin sa kanya sa oras na magbibigayan ng ‘I do’ at magki-kiss sina Jolina at Mark, kaya naman mas pinili na rin nitong huwag nang dumalo.
Carlo Maceda, isinusulong ang pagkakaroroon ng disaster preparedness methods and mitigation ang bansa
MAGKAKAROON NG free concert sa Quezon City Memorial Circle sa November 7, 2014 entitled “Handumanan: Pasasalamat sa mga Bayani ng Haiyan” na hatid ng Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI).
Ito’y sa pangunguna ng HDGI convenor, history and feature filmmaker, actor, producer Mr. Carlo Maceda kung saan dadaluhan ng mga sikat na banda at artista sa bansa.
Ang nasabing concert ay magsisilbing launching na rin ng advocacy-movement ng Haiyan Disaster Governance Initiative or HDGI. The movement aims to convert into policy and popularize new disaster preparedness methods and mitigation standards and methods in the face of climate change threats that face the country today and into the future.
John’s Point
by John Fontanilla