TULOY ang negosyo ni Marvin Agustin sa kabila ng mga natanggap niyang reklamo nitong nakaraang holiday season dahil pangit daw na kalidad ng mga ibinibenta niyang cochinillo (young pork lechon). Ayon kay Marvin, hindi na muna sila tatanggap ngayon ng delivery orders.
Matatandaang isa sa nagreklamo sa cochinillo ni Marvin ay ang direktor na si Darryl Yap. Aniya, hindi raw niya ito nagustuhan, pero hindi raw naman siya humihingi ng refund.
“About Marvin Agustin’s Lechon, hindi po ako nanghihingi ng refund, kasi alam ko — hindi naman lahat ng nanonood ng pelikula ko, nagagandahan. Pero yung mga napangitan — hindi naman nanghihingi ng refund.
“Tinanong lang po ako kung nasarapan ba’ko… Sumagot ako ng “Hindi” kasi di talaga ako nasarapan.
“Yung suggestion po ni Mama Ogie (Diaz), suggestion nya lang yun — na kay Marvin na kung susundin niya…
“Basta naalala ko, nakatatlong kurot lang ako dun.
Hindi ko na mailuluwa at maitatae ito pabalik. Di na nga ako maglelechon, chicharon na lang,” reaksyon noon ni Direk Darryl na ipinost niya sa Facebook.
Dahil sa nangyari ay kaagad namang nag-issue ng public apology si Marvin para sa mga customers na hindi nagustuhan ang kanyang ibinibentang lechon. Noong Dec. 31 ay muling nag-post si Marvin sa kanyang Instagram account at sinabing tuloy pa rin ang pagbebenta nila ng cochinillo para sa selebrasyon ng New Year’s eve.
“Happy new year everyone. We live and we learn to fight another day. We are roasting now your COCHI orders.
“We have prepared and gave our all to make everything good. Enjoy the COCHI we all worked hard for to give you a delicious experience.
“Moving forward, after this holiday. We will go back to our old-style of operations that we wont be able to arrange delivery anymore for our customers, as this is not our core competency.
“Our COCHI quality is best enjoyed straight from the oven, delivery conditions is something beyond our control.
“While other customers’ experiences of travelling as far as Bataan and Batangas, having our COCHI reach to their addresses with quality they love and enjoy. That may not be the case for others.
“We give instructions what to do but we dont know what happens during the travel time,” paliwanag ng actor-businessman.
“We thank you for your continued trust and support… God bless all of us! We wish everyone a peaceful, healthy and happy 2022!” huling pahayag ni Marvin.