ANG MAGING isang mahusay na host ang gustong tutukan ngayon ni Marvin Agustin, na kumuha pa ng hosting workshops kina Kuya Boy Abunda at Direk Freddie Santos.
Kaya naman ayon kay Marvin, sobrang thankful siya sa TV5 dahil isinama siya bilang isa sa mga hosts ng Artista Academy along with Cesar Montano, kung saan mapapanood siya from Monday to Friday ng 9p.m. na magsisimula ngayong gabi.
Kuwento pa ni Marvin, susundan nila ang lahat ng aktibidades mula sa kanilang bahay hanggang pagpasok sa eskuwelahan ng 16 finalists na mapipili mula sa 12,500 na nag-audition, kung saan magsisilbing principal si Ms.Wilma Galvante habang si Direk Joel Lamangan ang head ng Acting, si Louie Ocampo para sa Music at si Teacher Georcelle sa Dance.
Bulalas nga ni Marvin, “I’ve met the 16 finalist students and lahat sila, may great potential. The academy will give them formal training and help hone them para sila mas humusay bilang mga artista. I’m excited as I’m a fan of reality shows that help people fulfill their dreams. Nakaka-inspire.”
Tsika pa nito, masyadong maaga pa raw sabihin kung sino sa tingin niya ang malaki ang potential na manalo. “I’m not supposed to be partial to anyone. I have to be very objective. Ang maganda, they have all this hunger, this passion to do well and make a name for themselves. So, magiging very intense talaga ang laban.”
WALA RAW balak paagaw sa ibang babae ang host ng TV5 Sports’ 1 on 1 Tiu-torial na si Chris Tiu, dahil happy raw siya at loyal sa 11 years non-showbiz GF nito. Kuwento pa nito na hinding-hindi siya matutuksong pumatol sa ibang babae, dahil good boy siya at tanging ang GF lang niya ang laman ng kanyang puso’t isipan.
“Kasi ‘pag alam nilang loyal at committed ka, siyempre hindi na rin sila mang-aagaw pa. Depende naman sa vibes na ibinibigay mo sa babae. Kung ipinalalabas mo na medyo maluwag ka rin, baka may ganu’ng temptation.
“Stay away from temptation in the first place. Saka ‘yung foundation mo, solid talaga sa Diyos. Kung nasanay kang naggi-give in sa temptation, maggi-give in ka talaga sa temptation. Iwasan mo ‘yung mga ganu’n.”
Kuwento pa ni Chris, ‘di raw pumasok sa isipan niya ang ma-kipag-live-in at naniniwala siya sa kasal, lalo na’t very religious daw ang pareho nilang pamilya.
“Bawal ‘yun. Both families are very religious. Both families are traditional. ‘Yung values namin, very strong talaga. And no-no talaga ‘yun.”
Hirit pa nito na kahit daw ang pagta-travel nang dalawa lang sila ay bawal hangga’t hindi sila nakakasal.
Sa ngayon daw, busy si Chris sa kanyang negosyo, trabaho bilang host at ang pagiging atleta kung saan isa siya sa mahusay na basketbolista sa bansa.
HAPPY ANG mahusay na aktres na nakilala noon na si Joy Velasco na member ng New Faces ng GMA-7 at ngayon ay may bago nang pa-ngalan bilang si Kristine Velasco, dahil na rin sa pagkakaroon ng dalawang shows, ang Kasalanan Bang Ibigin Ka at Together Forever.
Ang nakakatuwa pa kay Kristine ay tinapos na muna niya ang kanyang pag-aaral sa La Salle Taft, kung saan kumuha siya ng Arts Management bago tumutok sa pag-aartista at pagtanggap ng proyekto.
Kaya naman bukod sa pagiging celebrity, busy rin si Kristine sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo, ang Elements Salon & Barber Shop. Bukod sa nasabing business, binabalak din nitong magkaroon ng sariling talent agency in the near future.
John’s Point
by John Fontanilla