IPINAGMAMALAKI NI Direk Wenn Derramas na naiiba at mas nakakatawa ang sequel na “Moron 5.2” na kanyang sinulat at dinirek under Viva Films. Dito kasi ay tatay na sina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy Crawford, Matteo Guidicelli at DJ Durano at nakakatawa na ‘yung mga anak nila ay idinidenay na sila ang ama, dahil nga mga gago at kung ano-anong kabobohan at kagaguhan ang pinaggagagawa sa buhay.
Pero siyempre, me redeeming factor naman sa ending ang kahinaan sa pag-iisip. Lalo na ang character ni John Lapus na binu-bully ng lima nu’ng sila’y mga estudyante pa lamang.
Sa presscon nga nila, mararamdaman mo ‘yung closeness nila, dahil kahit nag-aasaran sila, (like si Marvin ay kino-consider ni Matteo na pinakamatanda at pinakabeterano sa kanila) wala namang napipikon.
Pero kung sa pinakamayaman sa grupo, si Marvin na ‘yon, dahil andami nitong sinosyohang resto na halos lahat ay kumikita.
Pero isang kagrupo nila ang ka-text ko at sinabing “hindi naman nagbibigay ng discount ‘yang si Marvin ‘pag tineks mo. Kahit nga libre, ayaw mag-treat. Juice ko, good luck sa kakuriputan niya!”
Eh, gano’n makipagnegosyo si Marvin, eh. Walang kai-kaibigan at business as usual, kaya wala tayong magagawa.
Pero me nakatsika naman kami before na, “In fairness, kahit hindi naman nag-treat, nagbigay ng dessert. Pero binayaran pa rin namin.”
Tingnan n’yo naman ang lolo n’yo, ang yaman-yaman na. Kahit sabihin n’yo pang kulang sa PR. Hayaan na at siya na lang ang tulungan ng mga artista sa kanyang negosyo.
Oh My G!
by Ogie Diaz