SIMPLE LIFE na lang ang buhay ni Andi Eigenmann ngayon.
Natagpuan niya ang katahimikan outside ng kasimplehan ng kanyang dati’y magulong buhay sa showbiz na tadtad sa kaliwa’t kanang tsismis at intriga.
“I love this. I love this because I love my daughter Ellie (6 years old na anak nila ni Jake Ejercito).”
Sa kasimplehan ng buhay ng aktres, makikita mo siya ang namamalengke, naglalakad sa bayan at kung minsan, kung luluwas siya ng Manila for an important appointment ay magko-commute siya gamit ang public bus. Ibinenta na si ng aktres ang kanyang kotse to live sa isang simpleng pamumuhay kung saan nae-enjoy niya ang buhay niya sa Baler kasama ang mga alon at mga bagong kaibigan.
Doon, nagpapatayo ng bahay si Andi while sa Siargao naman kung saan tumira din siya ay may negosyo siya na parang vacation rental.
Sa kinaroroonan ngayon ng aktres, kasama ang anak, payak man ay masaya siya,
Mula ang mag-back to basic living si Andi,naka-dalawang boyfriend na siya na mga surfers.
Una ay ang model-surfer na si Emilio Arambulo na sinundan naman ng bago niyang love na isa din surfer na si Philmar Alipayo na nakilala niya sa Siargao.
Three months pa lang sila ni Philmar and so far, oks ang buhay pag-ibig ni Andi. Walang tsismis. Walang intriga. Hindi magulo.
Nitong August 2018 lang nagsimula ang “love life” nina Andi at Philmar na nagsimula sa pa- ‘I love You” ng dalawa sa mga social media paandar nila sa isa’t isa.
Kuwento ni Andi na sila pa ng dating boyfie na si Emilio nang makilala niya si Philmar. “I didn’t expect it but… he’s been my friend for one year.”
Sa pakikipag-relasyon ni Andi kay Philmar: “I’m really motivated to be the best version of myself. Like, it’s the first time I’m with someone who really supports me with that, and then without also forgetting the fact that I have a daughter.
“Yun yung number one thing about him, that I feel, like, really parang na-catch niya yung heart ko. Kasi, not that it was him who showed me how important my daughter is, but he showed me that I can live a life of being a twenty-eight-year-old and being young and free,” pahayag ni Andi
“I only know where I wanna be. I only know that I’m happy with my life at the moment—but that’s it. Things can change tomorrow, or in ten years, but that’s okay still, if I change my mind,” pagwawakas ng aktres.
Ang “All Souls Night” ay nasa direksyon nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag.
Reyted K
By RK Villacorta