KAHIT SABLAY man si Kris Aquino sa mga diskarte niya sa buhay, ang pagiging ina naman niya at all times ay hanga kami.
Ganu’n naman yata, basta para sa anak mo, all out ang suporta mo.
Kita naman kung papaano niya alagaan ang dalawa niyang anak na si “Kuya” Josh (sa aktor na si Philip Salvador) at si Bimby (kay James Yap).
Sa mga pagkakataon na kailangan niyang magtrabahon bilang “artista” o host sa kanyang daily morning show, ang mga anak pa rin niya ang kanyang prayoridad.
Sabi nga ng kapatid niyang si PNoy, imposibleng tumakbo si Tetay sa pulitika sa 2016 dahil ang first priority niya ay ang pagiging “stage mom” sa anak na si Bimby na ngayon ay pinasok na rin ang showbiz via My Little Bossings, kung saan co-producer siyempre si Tetay sa unang pelikula ng anak.
Aminado ako, hindi ako natawa sa trailer ng pelikula as I have written in my columns. Kahit magbatuhan man ng pick-up lines sina Bimby at Ryzza Mae Dizon, hindi ako natatawa. Hindi ko alam kung bakit. Malamang sa editing at bagal ng reaksyon ni Bimby and vise versa sa kanilang mga eksena.
Siguro, mas gamay ko ang panonood kay Ryzza Mae tuwing umaga na napaka-natural at spontaneous ng humor kapag nasa morning show na niya ang bulilit.
Noong Friday night while checking my Instagram, nakita ko ang isang post ni Tetay with his two songs na katatapos lang maghapunan ng ginisang monggo at pritong tilapia with aligue as what she posted in her IG account.
Happy si Kris na naka-all smile habang ang dalawang anak ay tila na-enjoy ang kanilang hapunan with their mom.
Last Saturday, dahil puspusan na ang promotions ng entries sa MMFF 2013, umalalay si Kris sa anak na pumunta ng Cebu para sa promotion ng pelikula.
Sa katunayan, sa biyahe nila, personal silang inasikaso ng kapatid ni Kim Chiu who is a flight stewardess ng airline na sinakyan nila.
Alam ko, bilang isang ina, Kris want the best of Josh and Bimby (lalo na’t first attempt ng anak ang magpaka-showbiz aside syempre sa mga previous TVC na ginawa na nila in the past).
Sa kabila ng mga atake kay Tetay sa kung minsan ay sablay niyang diskarte sa buhay, na personally ay hindi rin ako sumasang-ayon, hindi ko rin siya masisi kung ang ginagawa niya ay para sa mga anak niya.
Sa bagay na ito, dito ako hanga sa Queen of All Media na gagawin ang lahat para lang sa ikasisiya ng anak.
Reyted K
By RK VillaCorta