FIRST TIME na nag-celebrate ng Mother’s Day si Yasmien Kurdi at nanibago raw ito. Dahil kung dati ay bumabati lang siya ng Happy Mother’s Day sa kanyang mommy at sa mommy ng kanyang mga kaibigan, ngayon ay nakatanggap na rin siya ng greetings mula sa kanyang pamilya at mga close friend at maging sa kanyang mga tagahanga.
Ngayon ay proud mom na ito ng kanyang very cute little girl at sobrang laki raw ng pagbabago sa kanyang buhay simula nang nagkaanak na siya. Kung dati-rati nga raw ay bumibili siya ng gamit para sa kanyang sarili everytime na pumupunta siya ng mall, ngayon daw ay mas inuuna na muna niya ang gamit para sa kanyang baby.
Bukod pa sa mas naging mature daw siya at mas naging mas responsible, sa ngayon daw ay ang future na ng kanyang baby girl na si Ayesha Zara ang kanyang iniisip. Marami na ngang mga tagahanga nito ang nami-miss siyang mapanood muli sa mga soap ng GMA-7. P
Pero hihintayin daw munang lumaki-laki si Ayesha Zara bago tuluyang magbalik-showbiz si Yasmien. Ang pag-aalaga raw kasi sa kanyang anak at asawa ang priority nito ngayon.
UPDATED ANG mga taga-Canada especially ang mga Filipino sa Vancouver sa mga latest tsismis sa showbiz katulad ng issue sa pamilya Barretto at marami pang iba, dahil na rin sa TFC at Pinoy TV. Kaya naman sa aming paglilibot sa Canada, sinubukan naman naming mag-survey kung sinu-sinong celebrities sa Pilipinas ang in na in sa kanila.
Nanguna sa survey sa mga kalalakihan sina John Lloyd Cruz at Coco Martin, samantalang sa kababaihan naman ay in na in sa kanila si Sarah Geronimo at Ryzza Mae Dizon.
Tsika nga ng National Director ng 5 Linx na si Ms. Liza Pardilla, inaabangan nila ang The Ryzza Mae Show everyday dahil sa pagiging biba ng tinatayang pinakasikat na child star at pinakabatang talk show host sa bansa.
Mabentang-mabenta nga sa Canada ang galing sa pagho-host ni Ryzza kaya naman daw kapag ito ang pumunta sa Vancouver ay talaga namang pagkakaguluhan ito. Mas sikat pa nga raw ang child star kumpara sa mga prime artist ng GMA-7.
Habang click na click naman daw ang latest movie nina John Lloyd at Sarah sa Canada, na ayon naman sa National Director ng 5 Linx na si Ms. Shirley Dulay nu’ng mag-premiere night daw ang movie ng dalawa ay talaga namang dinumog ng mga kababayan nating nagtatrabaho at naninirahan sa Canada.
HINDI UMUBRA ang paninira ng kanyang mga kalaban kay Councilor Alfred Vargas na ngayon ay tumatakbong Kongresista ng Distrito 5 ng Quezon City, dahil na rin sa ipinapakitang suporta at pagmamahal ng kanyang mga kababayan sa nasabing distrito. Kaya naman sa aming survey ay nanatiling nasa number 1 spot ito among congressman na tumatakbo.
Akala siguro ng kanyang mga katunggali ay mapapatumba nila si Alfred ng mga gawa-gawa nilang paninira, pero sad to say ay walang naniwala, lalo na’t alam nila kung gaano ka-dedicated si Coun. Alfred sa pagbibigay-serbisyo sa kanyang nasasakupan, at maging hindi mula sa kanyang distrito pero kapag humingi ng tulong sa kanya ay hindi napapahiya sa kanya at tinutulungan niya sa abot ng kanyang makakaya.
Nagawa ngang iwanan ni Alfred ang kanyang mayabong na showbiz career para lamang makapaglingkod nang 100% sa kanyang nasasakupan, dahil ito talaga ang laman ng kanyang puso at gustong gawin.
At during the time na sunud-sunod ang paninirang ginagawa rito ay nanatiling tahimik lamang si Alfred at mas piniling maglingkod na lamang kaysa pumatol pa sa mga taong walang magawa kundi ang siraan siya.
John’s Point
by John Fontanilla