NAGSIMULA BILANG fashion model si Victor Basa bago siya nag-artista. Palibhasa malakas ang dating, tipong artistahin kaya’t nu’ng time na makita ni Mr. Manahan ng Star Magic Talent Center ang binata sa cover ng Pink magazine, tinawagan niya agad ito at tinanong kung gustong mag-artista. Siyempre, oo agad ang naging sagot niya.
Na-excite kasi si Victor sa offer ni Mr. M kahit hindi siya marunong sumayaw at kumanta. Naka-three years din ang actor sa bakuran ng Kapamilya Network. Walang exclusive contract ang model/ actor kaya’t nakakapag-ober the bakod ito sa GMA-7 at TV5.
Maganda ngayon ang takbo ng showbiz career ni Victor kahit supporting role. May soap na ginagawa sa Kapuso Network, ang Cielo de Angelina at indie film na Pedro Calungsod. Wala siyang dream role sa ngayon. Ang importante, markado ang papel na ginagampanan niya sa bawat project na nakukuha.
“It’s hard to tell until you read the script. I did kontrabida role and it’s so challenging. Nasa role at performance mo as an actor ‘yung character na pino-portray mo. Siyempre, iisipin mo ‘yung viewing public kung nagustuhan nila,” sambit nito.
Six years nang nag-aartista si Victor pero parang mabagal yata ang pag-usad ng career niya. “Sa showbiz, you have to be patient. There always a perfect timing. Hindi pa lang dumarating ‘yung time ko. Kailangan mong maghintay ng break and be ready if it’s your break na and yet hindi mo maitatawid. Depende sa GMA-7 kung how they utilize me as an actor, as a performer. Doctor ang role ko at love interest ko si Roxanne Marcelo. It’s a story which makes the values of a true friendship at saka as a family,” simpleng sagot ng binata.
Ngayong nasa Siyete na ang actor, matutupad siguro ang pangarap niyang makatrabaho si Marian Rivera.
Hindi kaya nag-suffer ang career ni Victor dahil mas binigyan niya ng priority ang kanyang personal life? “Not at all. Ako, I’ll try to keep a balance. Wala namang offer ang ABS so, du’n ako sa network na interesadong kumuha sa akin. For almost a year, sa TV5 ako nagkakaroon ng project,” depensang sabi niya.
Kung may indecent proposal na mag-offer kay Victor to make him a star, tanggapin kaya niya ito? “All my years in showbiz, palagi akong may girlfriend. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Siguro, thank you, but no, thank you. Siyempre nasa konsiyensiya mo naman ‘yun,” turan niya.
Gustuhin man ni Victor na manatili sa Dos, hindi naman siya nabibigyan ng proyekto kaya naisipan niyang lumipat sa Siyete. “A good project, a good role. Kasi noon, lagi kong ikino-compare ang sarili ko sa ibang actor dahil wala akong project. Inisip ko, bakit wala akong project? ‘Yung ibang artista, hindi naman marunong mag-acting, nagte-take 7 pero may project. And then, I realize that’s not the point. Kailangang mag-focus ka sa sarili mo kung hindi, lalo kang magagalit, hindi mag-i-improve sa sarili mo,” paliwanag nito.
Napaka-vocal ni Victor sa relationship nila ni Divine Lee. A beautiful affair kung i-describe ng binata ang kanilang relasyon. “One or two. Sinabi ko sa kanya (Divine) ‘yung history ko, sinabi rin niya ‘yung history niya. Sa relationship, kailangang open kayo sa isa’t isa kung hindi naglolokohan lang kayo. Hindi niya ako type noon, long hair kasi ako noon. Magpo-four years na kami ni Divine, ” kuwento niya.
Inamin ni Victor na napag-uusapan nila ni Divine ang tungkol sa kasal. Pero hindi pa raw sa ngayon. Pareho pa silang may mga pangarap sa buhay na gustong magkaroon ng katuparan. “Napag-uusapan, although usually ako ‘yung nagbi-bring up hindi siya. As of the time frame, wala pa kami sa goal, hindi pa kami nakaka-reach nu’ng mga hopes sa aming career. Kailangan ko pang mag-ipon. Ideally, mauuna ‘yung kasal kasi, for me kasi, child is a blessing. To have a child is a blessing. I think, mas magandang mauna muna ‘yung kasal,” say ng actor.
Maraming magagandang qualities si Divine na nagustuhan ni Victor kaya’t lalo siyang na-in love sa dalaga. “Napaka-optimistic niya. ‘Di ba sa showbiz kapag walang kang project, tinatanong mo sa sarili mo, bakit ganu’n? Tapos nagagalit ka sa manager mo, sa sitwasyon, nagagalit ka sa sistema. Ipinakita niya sa akin na parang, you have to keep working. You have to focus on your work, ‘yun ang importante. Mag-focus sa sarili, ikaw lang naman ang makaka-achieve ng mga goals mo. No one will do it for you. That’s why when you ask me regarding indecent proposal ‘yung mga ganu’n, sabi ko, never accept that, kasi if ever you accept at nakuha mo nga, hindi siya sa sariling sikap,” pahayag ni Victor.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield