AFTER FIFTY years, active pa rin si Vilma Santos sa paggawa ng pelikula kahit public servant na siya ng Batangas City. “I started when I was nine years old. Definitely, it’s an achievement para makaabot ka ng fifty years in this business. ‘Yun ang pinakabayad sa mga contribution na nagawa ko sa pelikulang Pilipino,” intro ni Governor Vi.
Dream come true para kay Kim Chiu na makasama si Ate Vi sa pelikulang The Healing ng Star Cinema. Masuwerte ang dalaga dahil mismong ang Star For All Season ang nag-request na makasama siya sa horror film na ito ni Direk Chito Roño.
Bakit nga ba horror imbes na drama ang una nilang pagsasama sa pelikula? “Matagal ko nang hiniling kay Direk Chito na gawan ako ng horror movie. Nilambing ko na si Direk na baka puwede mo na akong gawan ng isang suspense horror. Ang feeling ko naman ‘yung role ko, pare-pareho na rin, gusto ko naman ‘yung may challenge, something new. Bihira na naman akong gumawa ng pelikula. So, katatapos ko lang ‘yung ‘In My Life’. Before ‘In My Life’, it was ‘Dekada ‘70’. Naghahanap ako ng something new. It took us ilang taon bago niya sinabing may script si Direk Chito para sa akin. Nang mabasa ko ‘yung script, may mga cast na nandoon. Tinanong ako ni Ms. Malou Santos kung sino’ng gusto kong makasama na magagaling na bago nating superstar and I choose Kim. Kasi, ang kaibahan nito kay Kim, the usual na ginagawa niyang loveteam-loveteam, iba ‘yung character niya rito. Interesting para sa aming dalawa, plus the fact ‘yung horror movie na ito, not for anything, astig ‘yung mga kasama ko rito. Marami nga ang nagtatanong, why horror? Sabi ko naman, why not?” paliwanag ni Gov. Vi.
Inamin din ni Ate Vi na nahirapan siya while shooting The Healing. Pero ang nakakatuwa, ang target date to finish the movie, 35 days at natapos agad nila ito ng 37 days. “Ang hirap pala ng horror, sabi ko kay Direk Chito, puwede bang i-drama na lang natin. Bakit raw ako naninigas? Palagi akong pinapagalitan sa mga horror scene. Alam mo, dahil du’n sa pagtapun-tapon sa akin, nahilo ako. Ang ibig kong sabihin, physical. Ini-enjoy ko kasi, iba naman. Maybe because sa dami ng pelikulang nagawa ko. Naghahanap ako ng naiiba namang makaka-challenge, makaka-inspire sa akin. Ito ginawa sa akin, ang “The Healing.”
Masuwerte si Kim at personal choice siya ni Gov. Vi. Ano’ng pagkakaiba niya sa iba nating young stars? “Napapanood ko si Kim, she’s good. Ang tingin ko sa kanya fresh, bago. Wala pang masyadong experience na pupuwede na siyang may technical, wala, eh. Ang sarap makasama ng ganu’n because hindi naman pupuwede na puro ako. Kailangan mo ng suporta or chemistry sa mga makakasama mo sa pelikula. Sa shooting, she’s very professional kaya puwede kong sabihin na hindi ako nagkamali at masaya ako na magkasama kami ni Kim.”
Ibinahagi rin ni Gov. Vi na minsan, na-experience din niya ang magpa-healing sa albularyo. “Kung hindi ako nagkakamali, noong first time na nag-mayor ako. Two weeks pa lang akong nagtatrabaho. For three weeks, hindi alam ang sakit ko. Ginawa na lahat sa akin, hindi malaman kung ano ‘yung sakit ko na nanggagaling sa sikmura. I was having LBM non-stop for three weeks, lahat ginawa na, pati AIDS test. Later on, nalaman nila ang tawag doon, parang irregular bowel syndrome. Kasi, naiba ‘yung sistema ng katawan ko pagkatapos ng showbiz, tapos naging mayor, ang agang nagigising. After that, may pinatawag na isang healer, ginamot ang sikmura, may hinipan sa ulo ko, mayroong papel na may sinusulatan, dinikit sa tiyan ko tapos hinipo ‘yung paa ko, I got well. Ginawa ko na ‘yung medical, no harm, ‘di ba? Nu’ng sinabi nila na i-try ko ‘yung bulong so, ‘yun. I tried it and I got well, no harm. In our family, hindi naman masama, mga Katoliko rin kami.‘Yung mga kapatid ko, nagpupunta rin sa mga ganyan kung minsan, gu-magaling sila. Sino ang makapagpapatunay? Maybe it’s faith,” turan ni Ate Vi.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield