KUMALAT NA ang balita ng pagkakabati ng mag-amang Maegan at Freddie Aguilar na noong nakaraang taon ay nagkaroon ng matinding tampuhan. Ayon kay Maegan, na-realize niya na dapat diumano ay magkabati na silang mag-ama. Kung kaya’t binubuksan niya ang posibiilidad na manumbalik ang kanilang mabuting pagsasamahan bilang iisang pamilya.
Muli ay binuksan natin ang Larawan sa Canvas upang ipahayag ang balita na muli ay nagpanagpo ang Pamilya Aguilar nang muling bumalik si Maegan sa kanyang amang si Freddie Aguilar na kasama ang mga apo. Hindi maikakaila ang saya ng mag-ama na makikita sa larawang ipinost sa kanilang Facebook account.
Katulad ng naisulat ko sa aking kolum dito sa Pinoy Parazzi noong June 8, 2014 na nagsasaad: “Para sa akin, dapat nga lamang na ‘pag may pamilya na ang anak, para maiwasan ang gusot, humiwalay na ang anak sa magulang, ano man ang nature ng trabaho nito.
Tama lamang na magsarili itong si Maegan at maipakita niya sa kanyang magulang na nag-e-exist siya kahit lumayo siya dito sa kanyang kinalakihang magulang. Para sa akin, kaya niya ito. Walang may kamay, may paa, at ulo na puno ng talento na hindi dapat pa na umusbong at pagyamanin muli ang kinang na taglay niyang angking sining. Pasasaan ba’t magsi-shine muli ang araw para sa kanila.
Para naman kay Ka Freddie, dapat lamang nandoon pa rin ang kanyang pagmamahal tiyak sa kanyang mga anak. Ito ay hindi maaaring ikaila at hindi ito maaaring burahin ng eraser at masasabing hindi niya ito anak. Dahil ang mabuting magulang ay unconditional ang pagmamahal.”
Sa Facebook account ng asawa ni Freddie Aguilar na si Jovie Alvao Aguilar, isinulat niyang: “Sino ang magsasabi na mahirap magpatawad? Maaari na ang isang alitan ay tumatagal nang mahabang panahon ngunit ang pagmamahal ay mananatili na naroon. Ang bagay na hinintay nating lahat ng mahabang panahon. Kanina lang ay pinuno kami ng emosyon. Tuluyan na ngang naglaho ang bawat galit. Pagpapatawad na magpapatunay ng pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak at anak sa kanyang magulang. Maraming salamat sa mga tao na tumulong upang tuluyan na ngang mabuo ang pamilya na panandaliang nagkulang. Wala akong masabi. Basta ang alam ko, masaya ako para sa ating lahat.”
ITINATANGHAL NGAYON hanggang sa ika-30 ng June 2015 sa UP Vargas Museum ang solo exhibition ni Paulo Vinluan’s na pinamagatang See Waves. Naka-eksibit dito ang mga drawing at animation works kung saan ang venue ay tila naging isang empty shell na maririnig ang tunog ng karagatan. Ito ay upang ipakita at sagutin sa sa pamamagitan ng sining ang tanong na “how do you hear silence?”
Si Paulo Vinluan (b. 1980) ay nagtapos ng cum laude sa kursong Fine Arts sa University of the Philippines, Diliman noong 2003 at sa Pratt Institute, New York in 2009. Noong 2003, siya ay kinilala bilang isa sa finalist ng Philip Morris Philippine Art Award at sa 20th Metrobank Young Painter’s Annual sa watercolor category. Nai-eksibit na niya ang kanyang mga obra sa Singapore, Hong Kong, at California. Siya ay tumira at nagtrabaho sa Manila at sa Brooklyn, New York.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions, e-mail: [email protected], cel. no. 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia