BLIND ITEM: Kilala n’yo ba kung sino itong dalawang sikat na artista na kasalukuyang may hinaharap na demanda sa kanilang dating in-endorse na pampaganda o pampa-slim?
Ayon kasi sa aming very reliable source, hindi tinapos ng dalawa ang kanilang kontrata na kanilang pinirmahan. Masigasig ang nasabing kumpanya na bigyan ng leksiyon ang dalawang sikat na artista dahil nga baka gawin pa uli nila sa ibang kumpanya.
Nag-usap na nga raw ang manager ng dalawang bida natin at ng abogado ng kumpanya at malalaman natin kung ano ang kanilang napag-usapan.
Yes, mahal kong readers ng Pinoy Parazzi, sikat na sikat ang dalawa. Si female star ay napakalaki talaga at ganu’n din si male star.
Ang clue: si male star ay baka iwanan na ang showbiz dahil nga sa may gusto itong simulang career; si female star naman ay pamilya ng pulitiko.
O, gets n’yo na?
HULING PAGTATANGHAL na nga ba ng Masculados ang magaganap sa October 15 sa Zirkoh comedy bar?
Nasa ika-10 taon na pala ang nasabing grupo kung kaya naman may kakaibang show na mapapanood sa male group.
May mga tsika kasing umiingay na magwawatak-watak na ang Masculados after ng kanilang show.
Ang tanging makakasagot nang tama sa mga katanungan na ‘yan ay ang kanilang manager na si Direk Maryo J. delos Reyes.
Ang bilis ng panahon, parang kailan lang nagsimula, ngayon ay isang dekada na.
Kaya watch na at doon natin malalaman kung babu na ba ang Masculados.
Naku maraming malulungkot na kababaihan at kabadingan kung saka-sakali.
Kaya go na sa, Zirkoh!
ISANG BLIND item pa: Kilala n’yo ba itong isang sikat na actor-politician na nag-issue ng tseke sa isang negosyante na walang pondo? Yes, tumalbog nga, kaya nga marami ang hindi makapaniwala.
Kilala, mayaman, nasa pulitika ang bida natin. O, knows n’yo ba kung sino?
Well…
TAGUMPAY ANG book launching ng aming kaibigan at newscaster ng Net25 na si Arlyn dela Cruz last Sunday sa SMX Convention Center. Ang titulo ng kanyang libro ay “A Lifetime of Freedom”, kung saan tungkol sa buong 20 years niya bilang jounalist ang nakapaloob.
Ito’y sa pakikipagtulungan ng Katha Publishing Co., at dinaluhan ng kanyang mga kaibigan.
Ang presyo ng kanyang libro ay P385. Hindi ka na nga maabot, Arlyn…
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!