Halos isang linggo episodes ng primetime series ng ABS-CBN na “Till I Met You” ang inireklamo ng ilang manonood sa Movie & Television Review & Classification Board (MTRCB) na hindi umano akmang panoorin sa telebisyon.
Kaya naman ipinatawag ng MTRCB ang pamununuan ng nasabing serye para sa isang conference sa November 10.
Sa sulat na ipinadala kina Antoinette Jadaone at Andoy Ranay (mga direktor), Arnel Nacario (executive producer), at Shugo Praico (writer), sinabi ng ahensiya na ayon sa mga natanggap nilang feedback mula sa social at conventional media, minabuti nang Board na ipatawag sila sa isang kumperensiya para ibigay ang kanilang panig.
Kabilang sa mga inirereklamo ng ilang manonood ang October 25 episode, kung saan may “daring love scene” ang mga bidang sina James Reid at Nadine Lustre na nangyari sa loob ng kotse. Para umano sa ilang manonood, hindi ito akmang panoorin sa telebisyon sa kabila ng “SPG” o Strict Parental Guidance rating nito.
Sa October 26 episode, kaswal lang umanong ginamit ang mga salitang “sex lang ‘yan” nang walang pasubali o pagkilala sa institusyon ng kasal.
Para naman sa October 27 at 28 episodes, inireklamo umano ang “PG” o Parental Guidance lang na rating sa bathtub scene nina James at Nadine.
Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores