Masikip na kalsada

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Gusto ko lang pong may mag-check dito sa Brgy. San Jose, Biñan, Laguna dahil sobrang sikip na po ng mga kalsada. Makitid na nga po ang kalsada, marami pang mga vendor na nakahambalang at mga sasakyan na nakaparada. Ang hirap po dumaan at laging trapik. Sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan. Maraming salamat po.

Reklamo ko lang po ang pagdadala at pagpapaputok ng baril ng mga taga-POSO dito sa Taguig.

Isusumbong ko lang po ang traffic enforcer ng Pasay dahil lagi po silang nanghuhui mula 1:00 am hanggang 6:00 am sa tapat ng isang gasoline station malapit sa NAIA Terminal 4 kahit wala namang violation.

Reklamo ko lang po ang peryahan dito sa tapat ng Pitogo High School sa Makati City dahil sobrang ingay po. Hanggang 3:00 am po nag-o-operate. Bumabaho rin ang paligid dahil sa pader ng school umiihi ang mga manunugal sa perya.

Reklamo ko lang po ang kalsada na ginawang parking space dito sa Buaya, Lapu-lapu City, Cebu. Ang mga tao ay sa gitna na ng kalsada dumadaan.

Reklamo ko lang po ang mga highway patrol sa South Luzon Expressway sa may C-5 Road dahil malalakas mangotong.

Pakikalampag naman po ang DPWH dito sa Lopez-Buenavista Road sa Lopez, Quezon dahil apat na buwan na pong nakatiwangwang ang kalsada na hindi nase-semento. Nagiging sobrang abala na po sa mga motorista.

Irereklamo ko lang po ang mga alagang manok, pato, pabo, at aso ng isang barangay tanod dito sa Brgy. Langgam, San Pedro, Laguna dahil sobrang baho po. Inilagay niya po malayo sa bahay niya, pero malapit sa bahay namin kaya kami ang napeperhuwisyo.

Ipararating ko lang po sana sa inyo ang reklamo ko sa inyo tungkol sa Brgy. 179, Amparo, Caloocan City dahil kulang na kulang po kasi ang mga street light sa mga kalsada. Madalas pa naman pong may nangyayaring nakawan at barilan sa lugar na ito. Sana po ay maaksyunan.

Reklamo ko lang po ang mga sasakyan na naka-parking sa magkabilang side sa kahabaan ng P. Florentino Street. Sana po ay ma-tow ang mga perwisyong sasakyan na ito na isa sa mga nagdudulot ng traffic.

Isusumbong ko lang po na sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue sa may Laloma ay madalas na ginagawang paradahan ng mga truck ang main road kaya ang mga tao ay sa gitna na ng kalsada dumadaan na siyang delikado naman po.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleAlden Richards at Maine Mendoza, nagsimula nang mag-shoot ng kanilang pelikula sa Italy
Next articleKorina Sanchez at Karen Davila, nagiging laman din ng balita

No posts to display