Matapang na MMDA Chairman at Panganiban ng Pergalan

HANGA NA sana tayo sa katapangan ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Francis Tolentino, kung ang pag-uusapan ay ang pagpapatupad ng batas.

May political will, ‘ika nga, itong si Tolentino, na talaga namang kaila-ngan ng bawat opisyal ng pamahalaan upang maisulong ang mga proyekto o layunin ng gobyerno.

Pero kaiba, parekoy, ang tapang na ipinakita nitong si Tolentino lalo na noong napaikutan nila at ng sandamakmak niyang tauhan ang nag-iisang barangay tanod ng Guadalupe Nuevo, Makati na si Ramon Palma.

Aba eh, parang hindi pang executive ang dating ni Chairman Tolentino.

Sa tingin ko, parekoy, mistulang maton na bodyguard ang kanyang dating!

Lalo na nang kanyang agawin agad ang “batuta” ng nasabing tanod at ayon kay Palma ay inihataw ito ng tatlong beses sa kanyang binti!

‘Langya naman ang aktuwasyon mong ‘yun, Chairman…

Para kang dakilang alalay ng panday! Hak, hak, hak!

Ang ibig kong sabihin, Chairman Tolentino, nag-iisa lang naman ang tanod na ‘yun, at sa sandamakmak mong tauhan na nakapalibot ng mga sandaling ‘yun, kailangan pa bang ikaw talaga ang papapel?

Aba eh, isang hudyat mo lang ng mga sandaling ‘yun ay tiyak na mukhang nilamukos na ebak ang mangyayari sa tanod na si Palma!

Hindi na ako magtataka kung isang araw ay lumabas sa mga pahayagan na pumatol si Chairman Tolentino sa isang security guard.

Okey pa rin ‘yun, parekoy, ‘wag lang siyang pumatol sa isang boy scout! Hak, hak, hak!

KALAT ANG balita sa mga pergalan tungkol sa isang alyas Baby Panganiban na regular na nangungulekta sa kanila linggu-linggo ng para umano sa ilang taga-media.

Ayon sa impormasyon, walang humpay umanong iniikutan nitong si Panganiban ang bawat puwesto ng mga PERGALAN lalo na sa erya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ang nasabing lingguhang tara ay upang hindi umano bulabugin ang mga pergalan ng mga taga-media na nasa listahan ni Panganiban.

Ang siste, parekoy, napakahaba umano ng listahan ni Panganiban!

Ibinibigay naman kaya ni Pa-nganiban ang lingguhang tara sa mga mediaman na nasa listahan niya?

Tinatanggap naman kaya ito ng mga inilista niyang mga taga-media?

Kung isa kang mediaman, pagkabasa mo nito ay paki-check agad baka isa ka sa ipinangungulekta ni Panganiban sa mga PERGALAN!!!

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09098992775/ 09166951891.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleIllegal Pero ‘Di Pa Rin Ma-blacklist
Next articleSenado, Dekada ‘60

No posts to display