Matapos mag-retire sa Siyete Wilma Galvante, lumipat naman sa Singko!

KUMPIRMADO NANG nasa TV 5 na ang isa sa dating boss ng GMA-7 na si Wilma Galvante. Namataan siyang pumasok sa opisina ng TV5 sa Broadway Centrum at nakipag-meeting kay Mr. Perci Intalan, head naman ng TV5 Entertainment.

Ayon sa source namin, isang closed-door meeting ang naganap na inabot ng 3 oras. Nang lumabas ng opisina si Ms. Galvante, all-smile daw ito’t binabati ang mga tao roon.

Kung tama ang sabi sa amin, magiging Creative Consultant ng TV5 si Ma’am Wilma. Dahil sa pagdating niya sa Kapatid Network, tiyak na mga hit at mga bagong shows ang uumpisahan sa ilalim ng pangangasiwa niya.

Matatandaang si Ma’am Wilma ang “utak” sa lahat ng magaganda at patok na shows ng GMA-7. Halos lahat yata ng mga hit na show sa Siyete ay galing sa kanya, gaya ng Starstruck, Dramarama sa Hapon among others.

May mga nagtataas lang ng kilay kay Ma’am Wilma dahil after retiring sa GMA-7 ay biglang nasa TV5 na siya. Sey ng iba, kapag nag-retire ka na, ibig sabihin hindi ka na magtatrabaho at mag-i-enjoy ka na lang. Kaya naman marami ang nagulat nang malamang ayun nga’t mula sa Kapuso ay nasa kapatid network na siya.

Choice naman siguro ‘yun ni Mam Wilma, tutal ay gusto pa rin niyang may pinagkakaabalahan kahit na tapos na ang trabaho niya sa Siyete. Baka nami-miss niya ang mga ganu’ng klase ng work kaya hindi natin siya masisisi. Sayang nga naman ang utak niya kung hindi magagamit ng iba, hindi ba? Baka naman ‘yung mga nagtataas ng kilay sa kanya ay ‘yung mga galit at may inggit sa kanya o ‘yung mga walang alam kundi manggulo lang ng masasayang buhay.

For now ay aabangan natin kung ano ang mga gagawin at plano ni Ma’am Wilma sa TV5 as far as new shows are concerned. Kung nagawa niyang magkaroon ng malalaki at magaganda’t patok na shows sa GMA-7, posible rin niyang magawa ito sa TV5.

Tama? Tama!!!

ISA KAMI sa natuwa sa magandang layunin ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta na bigyan ng proteksyon at kakampi ang mga manunulat na nasasangkot sa mga kaso gaya ng libel at harassment na hindi maiiwasan sa isang manunulat na gaya namin. Kamakailan ay nagkaroon ng pirmahan ng Memorandum of Agreement mula sa aming kaibigan-kasamahan at PMPC President Roldan Castro at ni Atty Acosta na naganap pa mismo sa rooftop ng PAO Bldg. kung saan kapwa namin manunulat at mga editors ang saksi.

Nahingan din ng pahayag ang mabait at tunay namang “Darling of the Press” na abogada at TV host na may free legal assitance na maasahan mula sa kanilang opisina ang mga manunulat na nasasangkot sa kaso kaugnay ng linya ng aming trabaho. Maging ang kasong kriminal na kasasangkutan ng mga manunulat ay sasagutin niya at iba pa basta’t may kaugnayan sa aming trabaho.

Nakakatuwa dahil buong-buo ang pagmamalasakit ni PAO Chief Atty. Acosta sa mga manunulat, sa mga pahayagan man o sa TV at ramdam na ramdam mo iyon dahil nakahanda lagi siya sa bawat tanong namin at minsan ay nakikipagbiruan pa ito. Lubos din ang kasiyahan dahil kakamping-kakampi talaga ang tingin namin sa mabait na abogada.

Sa bawat salita niya at mga sagot sa tanong namin, para bang “safe na safe” kami at walang kakanti sa amin dahil andyan sila at nakaalalay sa amin at handang sumuporta sa abot ng kanilang makakaya. Sa totoo lang, dahil kay Atty. Acosta, nagkaroon kami ng konting kaalaman sa batas at nabawasan ang takot namin at alalahanin kaysa noon na puno agad kami ng takot at may mga “sleepless nights” kapag nakakarinig ng demanda.

Ngayon, alam na namin kung saan kami tatakbo o pupunta. ‘Yun nga lang, masarap naman talaga sa pakiramdam na wala kang kaaway at wala kang pinangingilagan dahil at the end of the day, masarap mabuhay nang tahimik. Gaya ng kanyang show sa TV5, ang Public Atorni: Asunto O Areglo, natural na du’n tayo sa areglo. “’Yun din, hindi mo alam ang mangyayari bukas o makalawa kaya ingat pa rin naman ang kailangan.

Maraming salamat sa inyo Atty. Acosta at mabuhay ka!!!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleErap’s diamond moment
Next articlePhilip Salvador, magulo ang political plan?!

No posts to display