AT LONG last ay nagkabati na sina Coco Martin at Matteo Guidicelli matapos na magsuntukan ang mga ito nang dahil kay Maja Salvador. Kung matatandaan naging mainit na issue noon ang sapakan nina Matteo at Coco dahil nagselos ang una sa huli matapos na diumano’y ‘ahasin’ ni Coco si Maja kay Matteo.
Sa Star Magic Ball na ginawa sa Shangri-La Makati, hindi naiwasang magkabati sina Matteo at Coco, kung saan nang iabot ni Matteo ang award para kay Coco ay tila hinalikan pa ni Coco ang kamay ng aktor na kanyang nakasuntukan noon, kaya ganu’n na lang ang kasiyahan at palakpakan ng mga taong naroon sa nasabing okasyon.
Bukod sa pagbabati nina Coco at Matteo, sabay ring dumating sina Bea Alonzo at ang boyfriend nitong si Zanjoe Marudo na obvious na nagmamahalan dahil super sweet ang dalawa.
Hindi rin nagpatalbog ang mga young star na sina Kathryn Bernado at ang sinasabing boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Lantaran na rin ang relasyon nina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz na hindi man magkasabay na dumating ay naging sweet din nang gabing iyon, kung saan ay panay ang bulungan at lambingan sa isa’t isa.
Nandu’n din sina Enchong Dee at si Julia Montes na sobrang in love din sa isa’t isa, kung saan makikita sa kanilang mga titigan ang itinatagong relasyon. Habang ang iba pang Star Magic talents ay abala sa kani-kanilang drama nu’ng gabing iyon.
Sa kabuuan, gusto po naming i-congratulate ang lahat ng mga bumuo ng nasabing okasyon.
IBANG KLASE ang Enchanted Garden, may dahilan nga pala kung bakit na extended ang nasabing eco-fantasya ng TV5 na pinagbibidahan nina Rufa Gutierrez, Zoren Legaspi, Alice Dixson, Rufa Mae Quinto, Alex Gonzaga at ni BB Gandanghari.
Nakaka-excite panoorin ang nasabing programa dahil kuwento ito ng realidad at pantasya .”Ibang-iba ako rito as Michiko. Nu’ng una, medyo nag-aalangan ako, pero nitong huli, gamay ko na ang bawat eksena ko,” sabi ni BB Gandanghari na nag-celebrate pa ng kanyang kaarawan sa presscon kamakailan.
Sa nasabing presscon, mariing inamin din ni Rufa Mae Quinto na “joke” lang ang napabalitang pagpapakasal nila noon ng boyfriend na si Boy 2 Quizon. “Wala lang, parang biruan lang ‘yun na sineryoso.”
Sabi pa nito, walang dahilan ang hiwalayan nila ni Boy 2, basta naisipan na lang daw nilang maghiwalay at ‘yun na yun. “Siyempre nangangarap na rin akong magka-baby dahil parang ako na lang yata ang walang anak sa batch namin. Pero ganu’n talaga siguro, kung talagang wala, wala tayong magagawa. Tsaka kung talagang gusto akong bigyan nu’ng nasa Itaas ng baby, nu’n pa niya naibigay sa akin iyon.” Dahil willing naman daw si Rufa Mae na magkaroon ng anak kahit walang daddy.
MALAKI ANG paniniwala ni Direk Brillante Mendoza, direktor ng pelikulang The Captive, na ang movie ni Nora Aunor na Thy Womb ay gagawa ng ingay sa Brussels International Film Festival dahil nominado ang nasabing movie na ito ng Superstar sa kategoryang Best Actress.
“Malaki ang chance ng ating Superstar dahil ibang Nora Aunor ang mapapanood natin sa movie na ito,” sabi ni Direk Brillante na abala rin sa pagpo-promote ng The Captive, ang pelikulang tumalakay sa nangyari sa Sulu ilang taon na ang nakararaan, kung saan ay binihag ng grupong Abu Sayyaf ang ilang kababayan natin at ang Amerikanang social worker na ginampanan nina Isabelle Huppert at Joel Torre.
Sa kabuuan, mariing sinabi ni Direk Brillante na mapasama lang sa mga international film festival ang kanyang mga pelikula, partikular na itong kay Nora ay sobrang galak na niya, dahil hindi lahat ng pelikula ay nakalulusot sa mga international film fes-tival.
More Luck
by Morly Alinio