AFTER WINNING for Best New Movie Actor of the Year sa PMPC 28th Star Awards for Movies ni Rocco Nacino para sa indie film na “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa,” marami na ang nagsasabing naungusan na nito ang ibang mga nakapanabayan o mga nauna pang actors sa Kapuso Network like Enzo Pineda, Aljur Abrenica, Mark Herras, Mike Tan, Steven Silva, atbp.
Pero para kay Rocco, ayaw raw nitong isipin na naungusan o mas mahusay na siya kumpara sa mga nabangggit na pangalan dahil nanalo na siya ng acting award.
Ayon kay Rocco pana-panahon lang daw ‘yan, nagkataong nasuwertehan niya na maganda ang naibigay sa kanyang pelikula at nanalo siya ng award dito. Naniniwala raw ito na darating din ang araw ng iba pa niyang kasamahan na kanya ring mga kaibigan sa bakuran ng GMA-7.
Anu’t ano raw, mananalo rin sila ng award katulad niya at mabibigyan ng award-winning movies. Sa ngayon daw ay ninanamnam ni Rocco ang kanyang pagkapanalo at isini-share ito sa kanyang mga na-ging co-nominees na mula sa Kapuso Network at maging sa ABS-CBN.
Ang kanyang napanaluhang tropeo raw ang kanyang magi-ging inspirasyon para mas ga-lingan pa ang pag-arte sa kanyang susunod na proyekto, lalo na ngayong nakatakda siyang mag bida ulit sa isang epikong pelikula, ang Lam-Ang, na susubok na na naman sa galing niya bilang aktor.
KINABOG NG grupong Upgrade, isa sa pinakabago at kinahuhumalingang boyband ng kababaihan at ng ikatlong lahi sa bansa, ang mga sikat na banda dahil last March 17 ay dalawang beses itong nag-trending sa Twitter.
Una ay bandang 4:30am kung saan nag-number 1 ito at bandang 12:30pm kung saan nag-number 3 naman ito. Ito’y patungkol na rin sa nalalapit nilang pagtanggap ng kanilang kauna-unahang award sa March 20, 2012 para sa 32nd Seal of Excellence Award, kung saan makakasama nila na bibigyan ng parangal sina Robin Padilla, German Moreno, Jake Vargas, Teejay Marquez, DJ Joph atbp. Ito’y magaganap sa Metro Concert Bar, West Ave. Q.C.
BACK TO work na ulit ang isa sa maituturing na may pinakamagandang mukha sa mga naglipanang young stars sa telebisyon na si Meg Imperial .
After nga ng sabay-sabay na mamaalam ang kanyang mga shows sa TV5, ilang linggo ring namahinga si Meg, bago ulit nagkaroon ng panibagong show sa Kapatid Network.
Muli na naman itong mapapanood sa pinakabagong teen variety show na Funday Sunday, kung saan makakasama nito ang ilan sa mga young stars ng TV5.
Pero nami-miss na raw ni Meg ang pag-arte, kaya naman wish nito sa pamunuan ng TV5 na sana ay bigyan siya ng another primetime soap para mapanood siya muli ng kanyang mga tagahanga sa primetime.
HAPPY RAW si Solenn Heussaff sa award na natanggap mula sa PMPC Star Awards For Movies para sa kategoryang New Movie Actress of The Year para sa magaling nitong pagganap sa Temptation Island.
Hindi nga raw umaasa si Solenn na mananalo siya, dahil sa dami ng magagaling nitong co-nominees, kaya naman big surprise sa kanya na siya ang nanalo.
Magsisilbing inspirasyon niya raw para sa kanya ang napanalunang tropeo para pag-husayan pa ang kanyang trabaho at mas gagalingan pa niya ang kanyang pag-arte sa mga susunod na proyekto.
John’s Point
by John Fontanilla