OLA CHIKKA! Talagang mabubuwang ako sa Earth dito sa mga nangyayari sa lola n’yo. Hindi na dapat akong makikialam, kaya lang wala akong magagawa kasi trabaho ko lang po ito na pumuna ng hindi tama. Alam kong react to death na naman ang kanyang mga alipores na bayaran, kasi hindi ko talaga sila kilala na mga nagtatanggol kuno sa kanilang idolo na wala namang napapatunayan sa mga pinaggagawa nila, na sabi ibabalik nila ang kinang ng bituin ng kanilang idolo. Ang tanong, kaylan at saan?
‘Eto nga’t nangulelat ang pelikula niya sa nakaraang MMFF. Kasi hindi naman sila pumila at nanood, puro lang ngawa. Anong nangyari sa pelikula? Nganga!
Kaya sabi ni Superstar Nora Aunor, kahit wala nang nanood ng pelikula niya, hindi pa rin siya titigil sa paggawa ng makabuluhang pelikula. Kahit tatlo na lang ang nanonood at siya ang magpo-produce. Kaloka, ‘di ba?
Ngayon naman, dahil sa tuluy-tuloy ang taping ng kanilang telenobela ba ‘yun na Never Say Goodbye, na lumabas siyang ina ng baguhang si Vin Abrenica, isinugod daw ito sa Cardinal Santos Medical Center. At awa ng Diyos, nakalabas na.
Ayon sa chikka, hirap daw sa pag-ubo at sipon dahil sa lamig ng panahon, kaya mga ilang araw ring na-confine sa hospital. At bago raw lumabas, pinayuhan daw ng doctor ng Cardinal Santos Medical Center na tigilan na ang bisyo, tulad ng sigaril-yo at laklak ng alak. Kasi hindi na siya bata, matanda lang ako ng 5 buwan dito sa ating Superstar Nora Aunor. Na kung makarating man ito sa kanya, take it from me. Dahil sa sigarilyo at alak, ‘eto may COPD na ako, emphysema tulad ng sakit ni Dolphy nu’ng nabubuhay pa.
Kaya sana, tigilan na niya ito baka-sakaling bumalik na ang dati niyang golden voice dahil kahit Vilmanian na ako, wala pa rin makakapantay sa isang Nora Aunor sa pagkanta nu’ng hindi pa nasisira ang boses niya. Bilang mamamahayag ito ay isang paalala lang, charge to my experience, ‘di ba?
‘Wag naman n’yong ipagkait ang aking payo sa lola n’yo. Sa bagay, siya naman ang nakaaalam sa kanyang sarili. Alam kong magre-react na naman kayo na sinisiraan ko na naman ang idolo ninyo. Pero sana, basahin n’yo nang mabuti ito. Para sa akin ay constructive criticism ito.
Ayaw ni Dennis Adovas ng ganyan na may show ang kanyang alaga na si Krissha na napakagaling kumanta at siya ang batang Nora Aunor sa unang serye niya sa TV 5, ang Sa Ngalan Ng Ina, napakagaling ng batang ito kumanta at umarte. Gold mine na naman ito ni Dennis Adovas.
Sa Thursday na ang concert ni Krisha, 7 p.m. sa Area 05 Superclub (former Ratsky’s) sa Tomas Morato corner Scout Fuentebella, supported by Lloyd Abella, Iñigo Cruz, Mitch Dantes, Paulo Rodriquez, Detour Gems, Eclipse and Black Magic.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding