HOW TRUE kaya ang balitang may mga artistang na-tulungan noong mga panahong nagsisimula pa lang ang mga ito sa showbiz ng nag-iisang Master Showman German Moreno ang balitang ‘di pupunta sa makasaysayang 50th Anniversary Celebration ni Kuya Germs na gaganapin sa April 24 sa New Port Performing Arts ng Resorts World Manila?
Marami raw dahilan ang mga nasabing mga sumikat na celebrity na kesyo may conflict sa kanilang schedules, out of the country, habang ang iba naman, naniningil. Hindi man lamang inisip ng mga ito nu’ng mga time na nagsisimula pa lang sila at nagkukumahog na tulungan sila o makapag-guest man lamang sa mga shows noon ni Kuya Germs?
Kaya naman kung sino sa mga artista o singer ang identified kay Kuya Germs ang hindi mapapanood sa kanyang 50th showbiz anniversary, sila-sila na ‘yun.
Ano ba namang isang araw man lang ay ibigay nila sa Walang Tulugan host. Kaso nga, marami silang arte at che-che-bureche . ‘Yun na! Sino-sino sila? Abangan sa Arpil 24!
KUNG NALUNGKOT ang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa hindi pagpasok sa Cannes Film Festival ng kanyang first indie film na Ekstra, sobrang saya naman ng very generous actor/singer/producer na si Jacky Woo nang makarating sa kanya ang balita na nakapasok sa darating na Cannes Film Festival sa May ang historical movie na Death March na kanyang prinodyus under the direction of Direk Adolf Alix, Jr. Ito ay under sa “Un Certain Regard” section ng nasabing festival, ayon kay Direk Adolf na tumanggap ng magandang balita noong Thursday ng tanghali, Manila time.
Napawi lahat ang hirap na dinanas ng mga artista gaya nina Jacky Woo, Sam Milby, Carlo Aquino, Zanjoe Marudo, at Sid Lucero. Punung-puno kasi ng dumi at ali-kabok na kailangan sa set ang mga pinagkukunan ng shooting mapa-studio o actual location.
Si Jacky Woo ay abala sa kanyang commitments sa Japan at sa mga negosyo niya roon kaya ilang buwan nang hindi siya nakapupunta rito sa Pilipinas. Hinahanap na nga siya ng mga kasamahan niyang artista sa Bubble Gang at ilan pang nakasama niya sa ibang programa. Maski si Jacky ay sabik na ring makabalik sa Pilipinas, pero abala pa siya sa gawain niya sa Japan.
Alam ba ninyo na may ipinagawa siyang eskuwelehan sa may Concepcion, Nueva Ecija? Ito ay para sa mga bata bilang preparasyon sa pagtuntong nila sa elementary school. Mga 120 bata ang nakikinabang dito na madalas dinadalaw ni Jacky kapag may bakanteng oras siya sa tuwing dumadalaw siya rito sa Pilipinas. Mabuti na lang at vacation time at timing ang hindi niya pag-uwi rito sa Pilipinas, at hindi maramdaman ng mga bata ang matagal na pagkawala nito. May feeding program si Jacky roon tuwing dadalaw siya sa mga bata.
NAGING MATAGUMPAY ang selebrasyon ng kaarawan ng designer na si Jovan dela Cruz ng F & S Tailors through Birthday Fashion Show na ginanap sa 5th floor ng Glovax Bldg. sa Sct. Lascuna, Q. C.
Rumampa ang ilan sa young actors mula sa ABS-CBN at GMA-7 gaya nina Hiro Magalona, Ken Chan, Robert Estrada, Christian Ramirez, CJ Novato, at Raph Salazar, at kasama ang ilan sa modelo tulad nina Chiena Pelomino, Jasper Cruz, Justin Hizon, Patrick Rosario, Patrick Ramirez, at Benedict Tan suot ang magagarang habi ng F & S Tailors, at nina Mark Dela Pena at Lester Bulao. Umawit naman ang Prince of Ballad na si Gerald Santos at ang baguhang singer na si Ruther Robosa, hosted by Tj Monterde.
Dumalo ang Walang Tulugan co-host na si John Nite kasama ang dalawang sekretarya ni German Moreno na sina Chuchie Fajardo at Pepay Regonan at kanilang kaibigang si Tere. Nakita rin namin ang WYCOPA winner na si Sophia Montecarlo at ang dating That’s Entertainment member na si Dan Yniguez na may may mataas na posisyon sa Tony and Jacky Salon, sina Jana Chu Chu kasama si James “Totie” Aban ng DZBB .
Ilan sa dinadamitan ng F & S Tailors ang mga sikat na celebrities na sina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, German Moreno, John Nite, Tim Yap, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, Raymond Gutierrez, Hiro Magalona, Kiray Celis, Raph Salazar, CJ Novato, Igi Boy Flores, Xian Lim, Luis Manzano, John Prats, Robi Domingo, Benjamin De Guzman, Ejay Falcon, Teddy Corpus ng Rocksteddy, Jugs ng Itchyworms, atbp.
John’s Point
by John Fontanilla