OLA CHIKKA! HABANG tumatagal ay lalong dumarami ang mga ispekulasyon tungkol dito sa dating numero unong noontime show na Wowowee. Matapos simulan ni Cesar Montano ang pagho-host sa show, naglipana ang chikkang iiwan niya na rin ito, kapag pumirma na siya ng kontrata sa Kapuso Network. Nakasaad sa kontrata ang paggawa
niya ng teleserye, sitcom at movie under GMA Films at kung magiging Kapuso na siya, para saan pa at pinaunlakan niya ang pagho-host sa programa?
Binansagan mang ‘Bad Boy,’ taliwas naman ito sa totoong ugali ni Robin Padilla dahil sa pagtanggi niyang muling pagbalik sa Wowowee at bali-balitang magiging permanent host na siya dito. Sa kabila ng napakalaking talent fee at masayang crowd, nagawang tanggihan ni Binoe ang offer dahil daw sa kanyang personal values.
Hindi malinaw sa ilan kung ano ang tinutukoy ni Binoe dahil maaaring ayaw niyang mang-agaw ng show bilang respeto kay Willie. Maaaring ayaw rin niyang tanggapin upang hindi mapalaki ang isyu, at maaari rin namang ayaw niya ng ganu’n kalaking TF. Ano man ang dahilan niya, siya na lamang ang makapaglilinaw niyon.
Speaking of permanent hosts, naispatan daw itong si Willie Revillame sa bakod ng Kapamilya Network noong Martes dahil pinatawag daw ng management. Kaya kumalat agad ang isyu mula sa isang insider na maaari raw umanong magbalik-Wowowee na itong si Willie sa July 31, 2010.
Naalarma daw ang Dos nang ipahakot na ni Willie ang kanyang mga gamit sa Studio 3. Napapabalita ring nagpaplano na lamang bilhin ni Willie ang kanyang kontrata na prinesyuhan naman ng Dos worth P300 million daw. Oh, sige nga let’s wait and see na lang kung alin sa mga ito ang may katotohanan.
Babalik ba si Willie, o tuluyan nang iiwan ang Dos? Hmmm…
AT SPEAKING OF iwanan portion, bakit ang ibang artista, ganu’n ganu’n na lamang kung maghamon sa management or iwan ang career samantalang maraming talentadong tao riyan ang hindi man lang mabigyan ng break. Isa na rito ang magkapatid na sina Pytos at Skevie Kyriacou.
Si Pytos ay nakasama ko noon sa Masikip sa Dibdib at talaga namang napabilib ang marami matapos ma-nominate as best child actor sa halos sa lahat ng award-giving bodies. Maging ang director namin sa Masikip sa Dibdib na si Bb. Joyce Bernal ay napahanga rin niya dahil bilang baguhan ay hindi na masamang mapasama ka sa mga nominad bilang best child actor.Ngayon, hindi na siya maiko-consider na child actor dahil sa height niyang 6’2” at sa edad na 15 years old, magugulat ka na. Kung mabibigyan lamang siya ng magandang break ay malamang maging matinee idol ito dahil sa dimple pa lang na tulad ng kay Aga Muhlach, ngitian ka lang ay ulam na!
Kaya sana’y maalagaan siyang mabuti ng kanyang manager na si Manny Valera para hindi masayang ang talento nitong si Pytos.
Maging ang kanyang kapatid na si Skevie ay sayang din ang ganda at galing sa pag-arte. Napakatalino rin ng bata kaya kung mabibigyan lamang siya ng isang break, maaari mo nang itapat kay KC Concepcion! ‘Yun nga lang sadyang Mega Star ang nanay nu’n.
Ngunit, ‘wag ka, ‘Day! Itong si Mommy Myrna na butihing ina nina Pytos at Skevie, bonggang-bonggang star na rin dahil sa suporta at pagmamahal na ibinigay sa kanila ay winner na sila!
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young singer na biglang lumagpak ang career matapos i-endorso ang ilang politician noong nakalipas na election?
Marahil isa rin sa dahilan ng pagkasira niya ay itong kanyang ina na mahilig mangialam halos sa lahat ng kanyang desisyon. Matapos ang kampanya, iba’t ibang negative chikka na ang kumakalat tungkol sa kanya.
Siguro, mas magandang hindi na lang siya nag-endorse. Eh, ‘di sana hanggang ngayon, bongga pa rin ang career niya! Ha-ha! ‘Yun na!
At nais ko po kayong imbitahang makinig sa aking programa sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 A.M. to 12:NN. Makigulo sa amin kasama ang aking mga anak na sina Lady Camille, Lady Ghaga and Lady Khianna. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 P.M. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding