MATINO AT MAY ARAL: Marineros ni Direk Anthony Hernandez hindi ka-cheapang advocacy film

The Cast and Crew of Marineros

KITANG-KITA sa acting ni Jon Lucas na ngayon ay Kapuso actor na, ang kasanayan sa pag-arte na resulta ng acting training at workshop niya from his former studio na ABS-CBN Star Magic.

His acting in an advocacy film of Direk Anthony Hernandez na Marineros (Men In The Middle of the Sea) shows nang pagiging effortless niya sa pag-deliver ng mga linya at paglabas ng emosyon. Jon played the role of an aspiring seaman na boyfriend ng isa ring equally talented actress from Star Magic na si Claire Ruiz.

Both of them delivered a convincing performance as teenage lovers in the film na parehong may conflict na hinahara ang mga characters. Other actors in the cast are Michael de Mesa, Ahron Villena, Valerie Concepcion and Jef Gaitan.  May very special role din si Direk Anthony sa Marineros. She played Marigold na isang ageing performer sa cruise ship.

Napanood namin ang Marineros sa kanilang celebrity premiere sa 3 sinehan ng SM Manila and we really didn’t  expect from the film  until nakita na lang naming naiiyak na pala kami sa ilang eksena. Ang akala namin ay ka-cheapan ang pelikula na tulad ng ibang indie film, pero hindi pala.

Very relatable and strong ang eksena nina Valerie at Ahron kung saan nadiskubre ng huli na nabiktima ng scam ang perang in-invest ng kanyang asawa at naisangla pati ang kanilang bahay.

Direk Anthony Hernandez

We also love the love every scene of Marigold while performing at kaeksena niya ang new actor na si Paul Hernandez na bumagay ang role bilang probinsyanong seaman dahil sa accent niya. Trivia lang, bago naging director si Anthony ay naging performer siya sa Japan kaya sanay siya sa stage.

Sa kabuuan, maganda ang pagkakagawa ng pelikula. Walang mga iyakan part pero nakaka-touch and moving ang mga eksena dahil epektibo ang pagkakadirek nito at ang pagganap ng mga artista. May mga matututunan din ang bawat indibidwal na nagbabalak maging seaman at ang respective families nila.

Palabas na ang Marineros sa mga sinehan simula September 20.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleStar Music artist Martin Venegas, kakaririn din ang songwriting
Next articleJM de Guzman, sensitibo pag tinatawag na ‘adik’

No posts to display