Matt Evans at Ritz Azul, lumabas ang pagiging seryosong aktor sa advocacy film

Rittz-Azul-Matt-EvansNAENGGANYO NA ba kayo sa mga networking, such sites that promise fast bucks in an instant? Kung ganu’n, ilan na sa inyo o sa inyong mga kakilala have found the right ones, at ilan ang mga nadenggoy sa scam?

This October 28, ilalahad ng pelikulang Upline Downline ang isang kuwento kung paanong nagtagumpay ang isang networker.

Isang advocacy movie ‘yon mula sa panulat ng stage actor ding si Jigz Recto at sa direksiyon ni George Vail Kabristante, prodyus ito ng Alliance for Networkers of the Philippine Organizations, Inc. o ANPO.

For sure, ang main cast nito led by Matt Evans, Ritz Azul, Alex Castro, Snooky Serna, Juan Rodrigo, and Rez Cortez have at one point in their lives been interested in how to get into networking business kung madalang ang kanilang showbiz work.

Of the cast members, “in” ngayon si Alex whose claim to fame ay noong mahipuan sa nakaraang Cosmo Bash. Biglang-bigla, inani niya ang titulong Hipo King.

Serious actors naman ang peg nina Matt at Ritz na puring-puri ni Direk George, lalung-lalo na si Ritz who cuts herself in the middle of an intense scene kung feeling niya, she falls short of the required emotion.

Leila-de-LimaSec. Leila de Lima, may mga isyu na kailangang sagutin

ISANG MAULANG Sabado ng hapon ‘yon nito lang nang makaharap ng ilang piling entertainment press si dating DOJ Secretary Leila de Lima at a resto sa isang Quezon City Mall, sa paimbita ng kaibigang Cristy Fermin.

Kung saan wala kami.

Blame it on our gout na noon ay isang linggo nang nagpapahirap sa amin, it would have been our rare chance na makaharap upclose and personal ang kontroberisyal na pigura, na sa kanyang panunungkulan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Hustisya, had earned both “flak” and “plaque.”

Sa aming June 25 column dito sa Parazzi, pinaksa namin si De Lima if only for our personal liking for her whose impressive academic background (from grade school to college) reflects the mind behind the department she had competently served under the outgoing P-Noy administration.

Pagkakataon sana namin ‘yon para “gisahin” ang senator wannabe on certain issues—showbiz included. Ilan lang ang mga ito:

Tulad ng Superstar na si Nora Aunor, tubong Iriga si de Lima. Ever since, hindi nakunan ng pahayag si De Lima tungkol sa “pang-iisnab” ng administrasyong P-Noy kay Ate Guy bilang National Artist, so what would have been her take?

Ang tumatakbong VP ng Liberal Party na si Congw. Lenny Robredo ay kababayan ni De Lima. Bikolano rin si Senator Chiz Escudero mula sa kabilang partido, who will De Lima privately support?

Nataon sa 56th birthday ni De Lima nitong August 27 ang pagra-rally ng mga laksa-laksang miyembro ng Iglesia Ni Cristo para iprotesta ang kanyang ginawang pagtulong kay Isaias Samson na nagsiwalat ng mga umano’y alingasngas sa simbahan. Add to this ay ang galit diverted to De Lima over the Mamasapano massacre kung saan dalawa sa Fallen 44 were INC members with the way the DOJ had handled the case.

For sure, with her glibness, candor and no-nonsense stance ay masasagot ni De Lima ang mga sensitibong tanong tungkol sa usaping ito. Na nararapat lang dahil kung papalarin ay dadalhin din niya ang mga katangiang ito all the way to the august halls of the Senate.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleDirek Joel Lamangan, ratsada sa paggawa ng pelikula matapos magkasakit
Next articleRichard Gomez, susubukan muling mag-mayor sa Ormoc

No posts to display