MUKHANG SA KANGKUNGAN na nga pupulutin ang show ni Willie Revillame. Ang dami na ka-sing advertisers ang nag-pull-out ng kanilang ads. Parang more than 50% na yata ng nagpe-place ng ads sa Willing Willie ang nagpakita ng disgust sa show ni Willie sa pamamagitan ng pagtanggal ng kanilang TV ads. Sabi naman ni Willie, magsasakri-pisyo siya nang husto. Kung kinakailangang sa kanyang sariling bulsa manggaling ang perang papremyo sa kanyang show ay gagawin niya para makatulong sa mahihirap. Tingan nga natin kung kaya niyang gawin iyan sa kanyang pagbabalik sa show after ng Holy Week. At parang tumapang nang husto si Willie ngayon. Nagbanta pa siyang magdedemanda ng mga celebrities na umatake sa kanya sa Twitter. May ganoon siyang drama. Ang mga pinangalanan naman niyang celebrities ay umalma. Ni hindi natakot. “I was within my rights to comment and express my opinion. I mean, we live in a democracy,” sabi ni Lea Salonga sa interview sa kanya sa TV. Nabasa namin ang tweet ni Lea na parang may pinatatamaan. Sabi niya sa Twitter noong April 10, “No one is immune from criticism, not even our President. Kung Pangulo nga binabatikos araw-araw, at kinakaya niyang tiisin, tayo pa kaya?” Hindi naman affected si Agot Isidro na isa sa bumatikos kay Willie, sa pahayag ng TV host sa kanyang programa kung saan tinanong pa niya si Agot kung bakit ito nagre-react gayong wala naman itong anak. “Thank you for the outpou-ring of support. I am A-ok! Don’t worry about me. Du’n lang tayo sa tama,” tweet ni Agot. Malaman ang pasaring ni Mylene sa Twitter. Sabi niya, “I will not be bullied. I will not threatened. Sticks and stones may break my bones but your words will never hurt me.” Isa pang malaman ang naging mensahe sa Twitter ay si Aiza Seguerra na pinagsabihan ni Willie sa kanyang programa na “magpakalalaki ka”. “Hugas kamay. Patay mali. Ano ba yan,” tweet ni Aiza. Pero ang pinakamalaman para sa amin ay ang sagot ni Jim Paredes. “How can a laos, old, over the hill guy like me destroy a sikat, power-ful, rich Superstar like Willie? He did it all by himself,” tweet niya. NATANONG SI VIC Sotto kung package deal sina Jose Manalo at Wally Bayola sa bawat pro-ject niya. Kasama kasi niya ang dalawa sa latest movie niya, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak kung saan leading lady niya si Bea Alonzo. Balik-Star Cinema ang komedyante sa movie niyang ito. “Matagal ko nang tinatago ‘yung dalawang ‘yan, eh nakakawala. Ilang beses ko nang nilagay sa sako ‘yan, pero ang lakas ng pang-amoy,” pagbibiro ni Bossing Vic. “Hindi naman package deal. Sa comedy kasi, it’s always group effort. Mahirap mag-comedy na nag-iisa kaya nga hindi ako naging stand-up comedian, eh. I’m a situa-tional comedian. I’d rather act to a situation. Dapat kasi team effort. Kung sa basketball, kung wala kang kakampi hindi mo kayang ipanalo ang game dahil nag-iisa ka, eh. Kailangan mo ng kakampi, kailangan mo ng mapapasahan, shooter, taga-dribble at ‘yan naman ang maaasahan ko dito sa dalawa. Magagaling na team players sila. Tapos ‘pag natatabi pa ako parang pumopogi ako,” esplika ng komedyante. NATSITSISMIS NA LALAYASAN na rin daw ni Matt Evans ang Dos. Sa ngayon kasi ay walang project itong si Matt matapos na magbida nang ilang beses sa ABS-CBN. Tila napabayaan na siya kahit na ilang beses na rin naman niyang napatunayan na kaya niyang magdala ng show. Mukhang hindi nakatulong kay Matt ang kanyang haircut. Magmula kasi nang ipatanggal niya ang kanyang kulot ay tila nawalan na siya ng appeal at hindi na siya muling napansin ng Dos. Sa’n naman kaya lilipat itong si Matt, sa Singko o sa Siyete? Ang tanong, may offer ba naman sa kanya sa alinmang network? Tama lang para sa amin na maghanap na ng ibang network si Matt. Anyway, kung ayaw siyang bigyan ng project ng Dos, mayroon pa namang ibang network na puwede niyang puntahan. May achievement na naman siya as an actor, eh. Lex Chika by Alex Valentine Brosas
RELATED ARTICLESMORE FROM AUTHOR
Ara Mina, bilib sa pagiging huwarang artista ni Liza Soberano
For Ara Mina, isa si Liza Soberano sa mga huwarang artista.
“Minsan may nakatrabaho ako, wala pang mga name pero grabe ang attitude. Pero ito, nandoon na siya. At lahat naman ng nakatrabaho niya, nagsasabi na wala silang walang bad experience. Saka ano pa siya, nag-aaral pa siya. In between...
Mocha Uson, nagpatutsada sa showbiz journalists na tumatanggap ng pera sa mga presscon
Mocha Something took a swipe sa press people sa kanyang column na hindi inilabas ng Philippine Star.
“Hindi po pinayagan ang ating column na PRESSTITUTES sa Phil Star sa kadahilanan na ito daw po ay labag sa ethics nila. Naintindihan ko po ang concern ng Phil Star na hindi ilabas...
Marian Rivera, binanatan sa pag-post ng mamahaling sapatos sa IG
Na-bash si Marian Something sa pag-post niya ng mamahaling sapatos sa kanyang Instagram account.
“Whooooaaaw so lovely… Gracias @iluxe2013 @marian_ootd ” caption ni Marian sa kanyang photo.
One of her IG followers commented, “58 thousand yun price sa iluxe.”
With that ay na-bash si Marianita sa comment section ng isang Facebook fan...
Jukebox Queen Eva Eugenio, nag-release ng bagong single
Back to the grind ang Jukebox Queen na si Eva Eugenio.
Unti-unti nang nakikilala ang kanyang single na “Ano Nga Ba’ng Pangalan Mo?” na isinulat ni Pablo Vergara at binigyan ni Eva ng new twist.
“It was a song which he sold to me. I decided to rearrange it. Dinagdagan ko...
Bea Alonzo, feeling superstar ang dating kay Ian Veneracion
Feeling superstar pala ang dating ni Bea Alonzo sa kanyang leading man na si Ian Veneracion.
Magkasama ang dalawa sa latest soap opera ng Dos, ang “A Love To Last”.
“Unang-una, nagulat ako kung gaano siya kaalaskador which makes me really comfortable, kasi alaskador rin ako. Kunwari, bagong kita ko ang...
Fan ni Alden Richards, imbiyerna sa kapatid ni Maine Mendoza
Naimbiyerna ang isang fan ni Alden Richards dahil sa inasal ng kapatid ni Maine Mendoza na si Dean Mendoza.
Kumalat kasi sa Twitter ang isang picture, kung saan nakitang binugahan ng usok ni Dean mula sa kanyang vape ang alalay ni Alden na si Mama Ten.
“Siguro naman Dean Mendoza nagaaral ka,...
Mocha Uson, pinaglaruan ng student publication ng UP
Naimbiyerna si Mocha Uson nang maglabas ang Philippine Collegian ng University of the Philippines ng isang satire magazine.
Halata kasing pinaglaruan siya sa magazine.
“Get ready to drop dead gorgeous, if this drug war hasn’t killed you already! In our pioneer issue of SaVogue, we bring you the hippest trends in...
Eugene Domingo, inspired sa Italian boyfriend
Obvious na inspired si Eugene Domingo sa presscon ng “Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough” directed by Marlon Rivera.
Meron palang Italian boyfriend si Uge na nakilala niya sa Udine Far East Film Festival nang ma-screen ang kanyang movie na “Barber’s Tale”. Isa palang film critic...
Heart Evangelista, ginagaya raw si Gretchen Barretto
Ginagaya raw ni Heart Evangelista si Gretchen Barretto dahil mahilig na rin daw itong magsuot ng mga perlas.
Sa kanyang latest Instagram videos and photos kasi ay inirampa ni La Greta ang mga perlas niya. Talagang perlas ng silanganan ang kanyang peg lalo na roon sa isang party na kanyang...