BLIND ITEM: SANA naman, hindi totoo ang nabalitaan naming may “gap” ang mag-inang artista. Noon pa raw ito. Nagsusumbong na ang anak sa mga kaibigan na tine-text nito ang madir niya, pero deadma. Wa sa pagka-reply.
Sa halip na ang message nito na dapat sana’y sa anak idinidirekta ay itine-text sa ibang tao na nagtataka ang anak, dahil imbes na sa kanya nagte-text, sa ibang tao pa raw nito nalalaman ang message ng ina.
Pero ito’y hindi alam ng publiko, dahil mahusay ang mag-ina na ‘wag magpakita ng totoong emosyon on national television. ‘Yung tipong parang forever na hindi mag-aaway.
Na-shock nga kami nu’ng malaman namin ‘yon, dahil ang buong akala talaga namin, super ok at super duper close ang mag-ina. Larawan sila ng mag-inang kaiinggitan ng maraming mag-iina, ‘ika nga.
Pero magaling silang magdala ng problema.
Pero kung totoo man ito, mas magandang ayusin na nila ito bago pa makarating sa publiko, dahil tiyak na magsasanga-sanga na naman ito, lalo lang silang magpapaliwanag sa tao.
IN FAIRNESS, ME hukbong sandatahang lakas ng mga tagahanga itong si Matteo Guidicelli mula nang sumalang ito sa Happy, Yipee, Yehey!. Sobrang pleasant ang rehistro ng mukha sa screen, kaya madaling kagaanan ng loob ng mga televiewers.
Lalo na ‘pag hindi niya sina-sadyang habang nagsasalita siya ay lumalabas ang kanyang puntong Bisaya, lalong cute ang dating niya. Eventually, didiretso rin ang dila ni Matteo, lalo na’t willing naman ang bata.
Pero kung kami ang tatanungin, mas magandang i-maintain ni Matteo ang kanyang Cebuano accent, dahil ipinagmamalaki siya ng mga Bisaya, in all fairness.
Si John Estrada nga rin kung minsan, lumalabas din ang kanyang puntong Chavacano, eh.
At kami nga, sana nga, nu’ng araw pa kami umi-Ingles para hindi kami nahihirapan ngayon. Hahahaha!
DALAWANG BATANG “NILAPASTANGAN” ang walang kamalay-malay na hayup para lang magpa-kontrobersiyal. ‘Yung isa, taga-UP pa mandin, pero pinatay niya ang isang pobreng kuting sa pamamagitan ng pagtapak dito. At inamin niya ito sa kanyang blogsite.
Ayun, ang bata, despite the fact na humingi na siya ng tawad ay pinag-community service pa rin siya. Mismong sa zoo ay idinestino siya’t pinaglilinis ng mga kulungan ng mga hayup doon. Ngayon, love na niya ang mga animals.
‘Etong si Jerzon Senador naman na taga-Laguna, i-pinost pa sa Facebook account niya ang tuta niyang nilabhan niya sa washing machine at isinampay para matuyo ito. In short, ginawa itong damit at nag-enjoy siya sa ginawa niya.
Ayun, pinagpasa-pasahan ang mga litratong kuha niya at kinokondena ang kanyang kahayupang ginawa sa alaga niyang hayup, kaya kinasuhan siya ng PAWS sa kabila ng pag-hingi niya ng tawad.
Lahat naman tayo, kahit nu’ng kabataan natin ay nakaranas na ring manakit o gumanti sa mga alagang hayup. Pero nu’ng araw, wala pang Facebook. Wala pang camera ang celfone noon.
Eh, ibinrodkast mo pa, kaya ayan, kriminal na kriminal ang dating nu’ng bata. Nakara-ting pa hanggang CNN kung saan sa US ay bawal na bawal ang manakit ng animals.
Pero come to think of it. Sa panahon ngayon, ang dali nang magpaka-kontrobersiyal, ‘no? Hindi mo kailangang gumamit ng ibang tao para lang mapansin ka. Hindi tao, kundi hayup lang ang gamitin mo, puwede ka nang mapansin. At magtagumpay na mapansin.
Pero kailangan mong harapin ang consequence ng ginawa mo. Kaya kung kami ang tatanungin, bigyan ito ng leksiyon para matakot na ang iba na pamarisan ito. ‘Di bale sana kung ang mga hayup, puwede ring magdemanda.
‘Pag nagkataon, kakaibang senaryo ang mapapanood nating nagde-debate sa hearing.
Kung type n’yo kaming sundan sa twitter, i-search lang ang @ogiediaz at sa aming blogsite na www.ogiediaz.blogspot.com at i-like ang a-ming FB fanpage na “The Ogie Diaz.”
Demanding ba? Pasensiya na, ha?
Oh My G!
by Ogie Diaz