IN FAIRNESS naman kay Matteo Guidicelli, matino talaga siya at talagang nirerespeto niya ang paborito kong si Sarah Geronimo.
Siyempre, virgin pa talaga ‘yan si Sarah at hindi naman siya pakalat-kalat kung saan.
Protektado pa si Sarah ng mga magulang niya, kaya okay lang kay Matteo na may relasyon sila na walang pre-marital sex.
After the wedding pa raw talaga, kaya tiis-tiis lang si Matteo.
Kakayanin naman daw niya ‘yun, dahil ganu’n niya kamahal si Sarah.
Medyo naasiwa nga siyang pag-usapan iyun nang in-interview siya sa presscon ng pelikula niyang Moron 5.2 The Transformation na magsu-showing na sa November 5.
Medyo daring nga raw pala rito si Matteo sa Moron 5.2 dahil bakat-bakatan talaga ang suot niya kasama sina Luis Manzano, Billy Crawford, Deejay Durano at John Lapuz.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis