Walang masyadong mga pagsabog at barilan sa action film ni Matteo Guidicelli na “Tupang Ligaw” na palabas na ngayon sa ilang sinehan.
Ayon kay Matteo Guidicelli, isang advocacy film ang “Tupang Ligaw” at ang layunin nila kaya ginawa ang pelikula ay para ipakita ang responsible gun ownership which is very timely now dahil malapit na ang eleksyon.
Nag-aral din si Matteo ng mortal combat at tamang paggamit ng kutsilyo para ipakitang epektibo rin itong pang-self defense.
Ang guwapo ni Matteo sa “Tupang Ligaw”, pero medyo distracting ang mga eksena na naka-topless siya at ikinu-close-up ang kanyang harapan habang isinusuksok ang baril dito.
Mas napapansin ang bukol ni Matteo sa mga close-up scenes na ‘yon na mas lalo pang nagiging obvious kapag naisuksok na ang baril dito. Halatang meron ngang “ipagmamalaki” si Matteo at pansin na pansin ‘yon sa “Tupang Ligaw”, huh!
I’m sure na hindi naman ‘yon ginawa nina Mattteo at ni Direk Rod Santiago purposely dahil do’n naman talaga sa harapan ang suksukan ng baril, pero nagkaroon ito ng added attraction. Hahaha! Pero siyempre, depende pa rin naman ‘yon sa tumitingin.
Anyway, kasama ni Matteo sa “Tupang Ligaw” na produce ng BG Fims International sina Ara Mina at Rico Barrera.
La Boka
by Leo Bukas