LUMIPAT na raw si Rachelle Ann Go sa GMA-7. Nauna na sa kanya si Mark Bautista, kaya pareho na silang mainstay raw ng Party Pilipinas na pumalit sa S.O.P. Isa itong masamang pangitain ng iba pang bagay na magaganap, na pupuwedeng ang isa pang Viva talent na si Sarah Geronimo ay ma-pirate na rin ng GMA-7 mula sa ABS-CBN. This is very possible, with the rate things are going.
Mukhang binabago na ng Viva ang puwesto nila at ang interests nila ay hindi na concentrated sa ABS-CBN bagama’t kumikita ang Babe, I Love You na pinrodyus ng Viva sa pakikipagtulungan ng Star Cinema.
Nabibilang na kaya ang araw ng collaborations ng Viva at Star Cinema? Sayang. Maganda pa naman ang kumbinasyong ito at surefire hit ang formula nila.
Kapag nawala ang Viva factor sa Star Cinema at Dos, tiyak na may mababago. Aminin ng Star Cinema na sa pagtuklas ng katipong artistang gaya ni Sarah Geronimo, kung hindi dahil sa Viva, hindi sila magtatagumpay rito kahit matindi pa ang impluwensiya nila. Noong wala pa ang mga higanteng network, ang Viva ay naka-create ng singing superstars out of Sharon Cuneta and Regine Velasquez.
Successful sila kay Sarah, at wala pang napu-prove na ganito ang ABS-CBN. Si Yeng Constantino ay hindi man lang makaagapay sa ganitong stature, kaya ang makikinabang talaga rito ngayon ay ang GMA-7.
Hinihingian naman ng paliwanag ang Dos sa lipatang nagaganap. Palagay namin, wala rin silang dapat ipaliwanag. Kung ayaw na sa kanila ng mga gaya nina Rachelle at Mark, o ng iba pang lumilipat na sa ibang networks, prerogative naman nila ‘yan, lalo kung tapos na ang mga kontrata nila. ‘Yun nga lang, nalalalagay sa alanganin ang Dos sa puntong ito kaya kailangan din nilang magbigay ng press statement, pero ang dapat unang panggalingan nito ay ang Viva.
WE HEARD NA pinanghihinayangan ng ilang taga-GMA-7 si Matteo Guidicelli.
Una raw itong napapagkita sa mga show ng GMA, pero nagpaalam muna dahil mag-aaral muna ng Tagalog. Pero sa pagbabalik, nakagugulat na sa ABS-CBN na ito pumirma ng kontrata.
Dalawang taong nawala si Matteo, and was headed to the United States. Nag-stick kasi si Matteo sa first love niya, which is car racing, and worked so hard to straighten his Tagalog. Nakagugulat ang husay ni Matteo sa pagta-Tagalog na napakikinabangan na ng Agua-Bendita, kung saan isa siya sa leading men ni Andi Eigenmann.
Ang car racing ang nagbigay ng matinding disiplina kay Matteo. Naging sentro ito ng buhay niya at sumunod na ang iba pa. Kaya kung anuman ang inaasahan sa kanyang muling pag-uumpisa, naide-deliver naman niya.
Calm Ever
Archie de Calma