PINATUNAYAN NI Matteo Gudicelli na hindi lang siya pretty face sa pelikulang Paglaya Sa Tanikala na pasok din sa New Wave indie section ng MMFF 2012, kung saan ginampanan niya ang papel nina Bro. Jerry at ni St. Jerome. Sakto kay Matteo ang role niya especially bi-lang si St Jerome kung saan katakot-takot na prosthetics ang inilagay sa kanya simu-la nu’ng tumanda, nakalbo hanggang mamatay.
Bilang si Bro. Jerry naman, mineyk-apan naman siya ng tan upang magmukhang maitim. Bagay kay Matteo ang role kung saan nagtuturo siya ng cathesism at tumutulong sa mga batang nalululong sa droga lalo na ‘yung mga batang lansangan at hawak ng mga sindikatong nagtuturong magnakaw at mamalimos sa kalye.
Bukod kay Matteo na pinahanga kami sa pag-arte niya rito, agaw-eksena rin ang child actor na si Micko Laurente bilang Berto, bilang batang kalye, ulila at nabubuhay sa pagnanakaw at pagsinghot ng solvent. Naku, may kalaban na ang mga magagaling nating child actors dahil sure na kaming kagigiliwan ng lahat ang batang si Micko. Napakanatural at napakahusay umarte, cute pa!
Na-interview namin si Matteo pagkatapos ng press preview sa Trinoma Cinema 1 at tinanong namin kung totoong may “effort” na magkabalikan sila ni Maja Salvador?
“Maja will always be a very special girl to me at wala namang nabago kahit hindi kami nagkikita. Let’s see what gonna happen,” nakangiting sagot lang ni Matteo.
REVELATION SI Sef Cadayona sa pelikulang Gayak na pasok sa New Wave indie section ng MMFF 2012. A boy no more si Sef na mas nakilala sa TVC na “Cornetto boy” pagkatapos ng pelikulang ito.
First mature role at bida si Sef sa pelikula kung saan gay ang role niya. Sa totoo lang, nakakatakot sa mga gaya ni Sef na baguhan na tumanggap ng gay role at baka ma-typecast sila o ‘di kaya ay baka maintriga na bading din in real life?
“Hindi ‘yun ang naisip ko nu’ng tinanggap ko ang pelikula. Yes, it’s a gay role pero ibang klase siya. Tahimik, mabait na anak at hindi ‘yung streotype na gay.
“Napakaganda nu’ng story, at challenging sa akin ‘yung role kaya ginawa ko. Kahit sinong artista yata eh, hindi palalampasin ang pagkakataong makagawa ng ganu’ng klaseng pelikula. Kakaiba ito sa mga gay film na napanood nila. Father and son relationship… wala siyang nanay, eh, namatay sa pa-
nganganak sa kanya kaya lumaki siyang kasama lang ang tatay niya. Maraming makaka-relate sa movie’ng ito dahil ‘di ba ang mga tatay hindi tanggap ‘yung anak nila na bakla? Pero dito, iba!” pahayag ni Sef nang makausap namin pagkatapos ng press preview ng pelikula.
Puring-puri rin nina Alan at Direk Roni Bertubin si Sef at sinabing focused at may lalim ang pag-arte. Nagtatanong daw muna ito bago gawin ang eksena lalo na sa mga delicate scenes na magpapagulat sa ating lahat kung paano siya napapayag gawin.
After Rocco Nacino, may bagong aktor in Sef Cadayona ang GMA 7 talent artists.
BUKOD SA Aberya na ginawa ni Iwa Moto para sa Cine-
ma One Originals Film Festival, abala rin siya bilang bagong endor-ser ng Titan X3 kaya naman hindi masasabing “luhaan” ang career ng GF ni Pampi Lacson. Malaking bagay kay Iwa na pagkatiwalaan siya ng kompanya. Malaking tulong iyon sa kanya dahil buong taon na hindi siya binigyan ng trabaho ng GMA 7 kung saan nakakontrata siya.
“Buong taon akong walang work at buong taon ding kontrabida ako. Pero dedma lang sa mga sinasabi sa akin. Kasi alam ng mga kaibigan ko, ng pamilya ko at ni Pampi ang totoo. Saka, ‘yung mga taong nakatrabaho ko from the start, alam nila kung ano ang totoo.
“Dedma ako kay Jodi (Santamaria). Kahit siya, alam niya ang totoo pero siya pa ang malakas ang loob na magsalita sa akin ng kung anu-ano! Tumigil siya! ‘Wag na wag lang niyang idadamay ‘yung bata (Thirdy) dahil mahal ko rin iyon kahit anak niya kay Pampi.
“Basta ako, masaya ako, sana masaya rin siya! ‘Eto lang ang tandaan niya, pumasok ako sa buhay ni Pampi na wala na sila. Eh, siya?
“Naku, ayoko na kasing magsalita, eh. Pero if ever na magsalita ako, suportado ako ni Pampi. Siya nga ang maysabi na ipagtanggol ko naman ang sarili ko dahil nga ako ang lumalabas na kontrabida, eh!
“Sana lang, masaya siya! Kasi masaya kami ni Pampi at ni Thirdy. In fact, pupunta kaming tatlo sa Hong Kong after Christmas at babalik kami rito before the New Year. ‘Yun lang!” diretsong pahayag pa ni Iwa sa launching at signing of contract niya bilang latest endorser nga ng Titan X3.
RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer