Matteo Guidicelli, pinipigilang aminin ang relasyon nila si Sarah Geronimo

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliDREAM-COME TRUE para kay Matteo Guidicelli ang maging bahagi ng The Biggest Loser Pinoy Edition Doubles bilang challenge master dahil pareho niyang magagamit ang passion niya sa hosting at sports. Isang malaking hamon para sa kanya ang programang ito kasama sina Robi Domingo at Iza Calzado.

Magkasama sina Matteo at Robi sa pagbibigay ng challenges sa 14 na pares ng bigating Pinoy na maglalaban-laban tungo sa kanilang pangarap na maging fit at magkaroon ng mabuting kalusugan.

“Sobrang excited ako dahil ito ang dream project ko at blessing talaga ang show na ito for me,” say ni Matteo.

Tinanong namin si Matteo kung single or double ang status niya sa ngayon? “Gusto ko sanang sabihin, pero I don’t think it’s the right time dahil may dahilan. I want to respect whatever Sarah we have. My family, her family, one day po. I hope tomorrow, I hope now. It’s not up to me, ‘di ba? Gusto kong malinaw lahat, I don’t disrespect anybody,” paiwas na sagot ng hunk actor.

Kumusta naman ang relationship mo sa parents ni Sarah? “There’s very good naman. They love their daughter very much. Every mother have their reason, their very protective. My mom is very protective for me also.”

Hindi rin masagot ni Matteo kung ang parents niya okay kay Sarah at kung kalian ‘yung sinasabi niyang right time. “I don’t know, basta in the right time will see. I don’t want to hide anything. I just want to be honest with you guys so, I won’t say anything. One day, if the right time…”

Sa tono ng pagsasalita ni Matteo, tipong ang parents ni Sarah ang problema kaya maingat ito sa pagbibitiw ng salita tungkol sa kung anumang relationship mayroon sila ng Pop Princess. “May mga reason kami na I can’t say, you know. Basta one day, everything will be okay.”

Inamin ni Matteo na walang ibang babae siya tini-txt ngayon kung hindi si Sarah dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule. “Sarah is very special to me. Isa siya inspirasyon sa akin.”

Tipong hindi pa napapahon para magsalita sina Matteo at Sarah sa ngayon dahil sa mga naging pahayag ng binata. “It’s up to us to decide… I don’t think we’re stepping to anybody as long as we respect everybody. I believe, you respect people and they respect you back. Respect is very important to me. People who work hard for something, things happen, ‘di ba?”

Pinahahalagaan ni Matteo ang kanyang pamilya. Kailangang boto sila kung sinuman ang babaeng mamahalin niya. “Siyempre kailangang may approval ang family. If you love somebody, who ever I’m with, I want my parents to love her also. Sarah is a wonderful person, very good.”

Hindi pa naipapakilala ni Matteo si Sarah sa parents nito. Pero sinabi ng actor in the near future makikilala rin nila ang dalaga. “Ako naman bilang isang lalaki kapag nagmahal todo-todo at nandu’n ako palagi…”

DALAWANG BAGONG paligsahan ang inilunsad ng Captured Dream Production upang itaguyod ang kagandahan at talent ng Pilipina at ang pangangalaga sa kalikasan. Ang Miss Teen Earth Philippines at ang Little Miss Earth Philippines ay isa sa mga nangungunang kumpetisyon sa bansa para sa mga dalaga at batang Pilipina, 4- 9 years old (LMEP), 13- 17 years old (MTEP) na maaaring maging ‘earth ambassadors’.

Inihayag ni Vas Bismark (President, Captured Dream Productions/trademark owner) na ang layunin ng nasabing beauty pageant ay ituro sa mga dalaga at batang Pilipina na ang kagandahan ay hindi lamang makikita sa pampisikal na anyo kundi pati na rin sa pag-iisip, salita at pagmamahal sa kalikasan.

Sa tulong ng kumpetisyong ito, nais nilang ipaalam sa publiko ang iba’t ibang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Gusto rin nilang maglunsad ng mga proyekto na makatutulong sa paglikha ng isang malinis at mas mainam na kapaligiran.

Ang kumpetisyon ay bukas sa mga kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Maglalaban sa apat na kategorya: casual wear, formal wear, regional costume na gawa sa recycled o organic materials, at ang question and answer portion. Ang mga kalahok ay dapat Plipina, single at one year resident sa kanilang municipality. Ang mga sasali ay dapat naka-enrol sa paaralan or home-based program.

Ang Grand Pageant Night ay gaganapin sa Mayo 2014. P500,000 cash prize at talent contract for Captured Dream Production ang tatanggapin ng winners.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleDaniel Padilla at Kathryn Bernardo, nilampaso si Marian Rivera
Next articleJessy Mendiola, umaasa sa bagong pag-ibig

No posts to display