GALIT NA galit sina Maui Taylor at Katya Santos nang bumalik sa bansa noong Martes ng umaga matapos ang kanilang series of shows sa Dubai noong nakaraang linggo.
Bago nakauwi, inilantad ni Taylor sa kanyang Facebook account ang katauhan ng promoter na nagtakas ng kanilang talent fees at return flight tickets, kaya sila na-stranded sa Dubai sa loob ng mahigit dalawang araw.
“WARNING…. Wag n wag pagkatiwalaan tong taong to. Engr. Mardilito Daya Go. Pangalan pa lang manloloko at mangdadaya na diba. Madami na tong artista na linoko at hindi binayaran dito sa Dubai. We gave you two days to settle with us. We TRIED to be patient with you pero hanggang ngayon ginagawa mo pa din kaming tanga. Antayin mo ang karma mo. Wala kang takot sa diyos ha sa karma ka matakot. Digital na ang karma ngayon. Nakakalungkot na kapwa pilipino pa ang nanloko samin dito,” post ni Taylor Lunes ng gabi, kasam ng litrato ni Go.
Pumunta si Taylor, kasama si Santos, sa Dubai noong Marso 8 at inaasahang makababalik sila sa bansa sa Marso 15.
Nang makabalik sa Pilipinas, patuloy pa rin si Taylor sa pag-update ng kanyang Facebook page ng tex messgaes umano ng isang ‘di pinangalanang rsedienteng Pnoy sa Dubai na nagsampa ng kasong estafa laban kay Go at asawa nito. May utang umano ang mag-asawa sa nasabing Pinoy ng halagang 900,000 dirhams (P10.9 million).
Lumalabas din sa text message na ikinulong Dubai police ang asawa ni Go noong Lunes, at nahaharap sa deportasyon dahil katulad ni Go ay iligal umano ang pananatili sa Dubai.
Base sa mga komento sa post ni Taylor, marami na ring nabiktima umano si Go, gaya nina Gerald Santos at Sexbomb dancers.
(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)