NANG MAKAHARAP namin si Max Collins sa presscon ng Innamorata, sinabi nito na super excited siya sa kanyang first lead role dahil first lead role at very challenging ‘yung character niya as Esperanza, a young lady who suffers from hereditary skin disease.
Matagal nang pinangarap ni Max na mabigyan siya ng break para magbida sa mga bagong drama series ng Kapuso network. Kahit hindi pang-primetime ang first TV series ng dalaga, confident ito na tatangkilikin ng viewing public ang kanyang drama series.
“Nagdasal lang ako, whatever it is or it’s better or good. It’s a great project and I’m very thankful ibinigay nila sa akin itong drama series. Kung ano ang maging decision ng management, I’ll accept it. For 7 years, this is the biggest break so, sobrang happy ako. I can’t ask for anything more. No hesitation. Mahal ko kasi ang craft ko, ang pag-arte so, it’s worth the wait. Because I’m not waiting, I’m working and I enjoy every moment. I never thought I will be given such a big role. It’s more on a pleasant surprise na napili ako for this role,” pahayag ng young star.
May halong kaba at takot ang nararamdaman ngayon ni Max dahil mataas ang expectation sa kanya ng manonood.
“Sobra, gusto ko ring mag-rate ang show. Sana magustuhan ng mga tao ang performance ko at mabigyan ko ng justice ‘yung character ko. Marami akong iniisip talaga for the show. Nagdadasal ako na sana maganda ang comment.”
Kahit gaano ka-hectic ng schedule ngayon ni Max, may time pa rin siya sa kanyang personal life. Balitang nanliligaw ang Kapuso star na si Pancho Magno.
“Hindi naman, focus pa rin ako sa work. Pero naisisingit ko lang minsan. We’re friends, pero nagde-date kami. Pero pina-prioritize namin ang career. As of now, my schedule is so full, I cannot watch a movie. Sa States, nagka-boyfriend ako pero matagal na ‘yun, naghiwalay kami last year. It’s a long distance relationship.”
Hindi kaya ‘yung friendship na mayroon sina Max at Pancho ay mauwi sa relationship? Hindi ko iniisip ‘yun, nagustuhan ko siya as friend, ‘yun lang. We’re close, sobrang bait niya, ‘yun ang gusto ko sa kanya, super,” say ng dalaga.
Ikinuwento rin ni Max na ini-invite siyang lumabas on Valentine’s Day. “May taping yata kami nu’n, hindi ako sure. If I have nothing to do on Valentine, mag-date kami, watch movie.”
This time, leadingman ni Max ang role na gagampanan ni Luis Alandy bilang si Edwin (anak ni Michael de Mesa), isang bulag na na-in love sa dalaga nang makilala niya nito sa shoe factory.
“Deserving si Max maging bida sa show namin. Sobra ‘yung dedication niya sa work sa nakikita ko,” turan ng actor. Pinag-aralan palang mabuti ni Luis ‘yung character na ipo-portay niya rito.
“Nanood ako ng movie na “Love at First Sight” (At First Sight, 1999 – ed) ni Val Kilmer. ‘Yung character du’n ni Val sa movie, very positive. ‘Yun ang in-apply ko. Pinanood ko rin ‘yung “Scent of A Woman” ni Dustin Hoffman and Tom Cruise (Al Pacino and Chris O’Donell, 1992 – ed).”
Inusisa rin namin kay Luis ‘yung nabalitang pagpapakasal niya sa kanyang non-showbiz girlfriend na nasa Canada. Ayaw na niyang banggitin pa ang pangalan nito. Wala naman daw third party involve kung bakit hindi natuloy ang kasal. Hindi malinaw kung bakit.
“Ah, hindi nag-workout… It’s a long distance relationship, ‘yun lang ang masasabi ko talaga. We tried, 3 years, one year ‘yung magkasama, ‘yun. We’re okay, we’re friends. You want the best for other person. Blessed naman ako sa work, best friends around me and good people around me. Pero may longing, at my age stable na with my emotional feeling. I’m not giving to much of a thought… moving, living everyday…”
Kahit hindi natuloy ang paglagay sa tahimik ni Luis, mabilis siyang naka-move-on. “I don’t want really to talk about my personal life, that is why I’m not comfortable…”
Inamin ng actor na crush niya si Jennylyn Mercado. Nangangahulugan kaya na may possibility na ligawan nito ang dating ex-girlfriend ni Luis Manzano? Well, walang masama, pareho naman silang single.
“Hindi pa ako ready, nothing is impossible kung match kami, drive kami, okay lang, I mean, oo talaga. Maganda siya ngayon, sexy,” say ni Luis.
Kasama rin sa cast sina Jackie Rice, Dion Ignacio and Gwen Zamorasa direksiyon ni Don Michael Perez.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield