HINDI inaasahan ng Kapuso actress na si Max Collins na bibigyan siya ng Special Jury Prize award sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2018 para sa kanyang performance as young Gloria Romero sa ‘Rainbow’s Sunset‘. Hindi naisumite ang kanyang pangalan for the Best Supporting Actress category ng production, pero hindi ito naging hadlang para bigyan siya ng pangaral na sa tingin ng mga jury ay deserve niya.
Buti na lang at present sa Gabi ng Parangal ang blooming actress dahil tila nagkasundo ang Team Rainbow’s Sunset na ipakita ang kanilang suporta sa pelikula by attending.
Sa kanyang Instagram ay nagpost si Max a night after her big win:
Thank you Lord, thank you Papa Jesus ❤️ This is the best Christmas present I could’ve ever hoped for. I never thought this day would come – especially not tonight! Maraming salamat po sa MMFF at sa MMDA Jurors for this honor, my first acting award ? Thank you so much Rainbow’s Sunset team & Heaven’s Best Productions (Harlene & Hero Bautista, kuya Dennis Evangelista) For allowing me to be part of this beautiful film ? Maraming Salamat Direk Joel Lamangan ? Salamat din to all of the amazing actors in the film and all of the people behind the camera. Thank you to my management @pplentertainmentinc & @artistcenter for all of your support (thank you Kuya @ppl_christianmartin & ate @diannebernardo for all the moral support :) ) shocked pa rin ako, and I couldn’t be more thankful and grateful. I would like to acknowledge a few amazing directors I’ve worked in the past – thank you for believing in me – Direk Maryo J. Delos Reyes (you are greatly missed) and Direk Mike De Leon – thank you for all that you have taught me and for the chances you’ve given me. Thank you to my family – this is also for you – my husband, my mom and brother, grandma & aunties, mother in law… love you all ❤️??
Suwerte si Max dahil nakatrabaho niya ang magagaling na veteran actors natin.
Kaka-one year lang ng marriage nila ni Pancho Magno, pero mukhang naging lucky charm ang kanilang pagsasama dahil mas lalong bumongga ang career ni Max.
This year, nagbida ito sa sexy romcom series na ‘The One That Got Away’ with Lovi Poe and Rhian Ramos. Nagkaroon din ito ng short but memorable guesting sa ‘Contessa’, where she played the role of Perfida na fierce and classy ang dating. Parte rin siya ng controversial ‘Citizen Jake’ ni Mike de Leon.
This 2019 ay mas marami pang aabangan sa magandang actress. There’s the ongoing DOH-supported lifestyle health show ‘Healthy Ever After’ na palabas sa GMA News TV with her husband Pancho Magno at isa pang weekend show with Mikael Daez called ‘Alex and Amie’ na kid show with animation.
Pagdating naman sa serye ay nakatakda itong magbida sa upcoming afternoon show na ‘Stolen’, kung saan makakasama niya sina Mark Herras, Jason Abalos at Neil Ryan Sese under the directon of Neal del Rosario.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club