ISA SI Max Collins sa mga celebrities na may kuwentong kababalaghan. At maraming beses na raw siyang nakaranas nito.
“Isa ‘yong nasa taping ako ng Inamorata,” aniya. “May eksena kaming dalawa ni Dion Ignacio. Sa picture, nasa gilid po ako. Tapos nando’n din po ako sa gitna ng picture. So, dalawang ako. And I remember no’ng nagsimula ‘yong eksena, nasa side po talaga ako. So, hindi ko alam kung sino ‘yong nasa gitna. Ang alam ko, double ganger po ‘yon, e. Kasi exact replica of me. Na talagang same dress. Same hair.”
Ang double ganger ay isang uri ng elemento na pinaniniwalaang may kakayahang kopyahin ang mukha o hitsura ng isang tao.
“No’ng bata ako, nakakita talaga ako ng ghost. May mga experiences po ako na gano’n. Hindi ko na lang gaanong pinapansin kapag may nakita ako. Nagdadasal na lang po ako. ‘Yong one time din sa house namin sa probinsiya. Nakatulog ako and then ang sakit ng ulo ko pagkagising ko. Gumising ako kasi may pumasok sa kuwarto. Like… bumukas ‘yong pinto and pagpasok no’ng babae, nakita ko ‘yong dress niya white. Naka-mosquito net kasi ‘yong bed. Tinawag ko ‘yong mom ko kasi akala ko siya ‘yong pumasok, hindi pala siya. Iyon ang pinaka-scarry, kasi iba ang naramdaman ko. Alam ko na hindi ‘yon tao kasi walang naka-white do’n sa bahay. White lady siya talaga. At nakakatakot talaga ‘yong feeling kapag nakakita ka ng gano’n.
“May isa pang scarry na… ma-shadow na dumaan sa bintana. Tapos pagtingin ko, nakita ko lang ‘yong ulo, ‘yong scalp lang na parang nagtatago. Parang pinaglalaruan ako. Tapos pagtingin ko ulit, wala na. Walang tao.
“Nasanay na ako. Siguro kung hindi mo rin naman bibigyan ng pansin hindi ka nila iisorbohing masyado. At saka mabisang pangontra rin ang prayers. Prayers talaga… in Jesus’name.
Ayaw raw niyang mag-portray ng role sa isang horror film na parang mapu-posses siya.
“Kasi sa paniniwala ko parang hindi ‘yon biro. Hindi ‘yon dapat pinaglalaruan. I have nothing against do’n sa mga artista na nagpu-portray ng gano’ng role. Sa sarili ko, ayoko lang gumawa ng role na gano’n.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan