SI EMPRESS Schuck ang kontrabida ni Max Collins sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Kailan Ba Tama Ang Mali at masaya ang aktres dahil muli niyang nakatrabaho si Empress na Kapuso star na rin ngayon.
“Nagkatrabaho na kami before kaya masaya ako na muli kaming magkakatrabaho ngayong nandito na siya. I love working with her. Nakakatuwa lang kasi, dati sa show niya, sa Rosalka, ako po ‘yung kontrabida niya. So, nakakatuwa na magkasama po kami ulit ngayon after so many years,” sey ni Max.
Aminado ang dalaga na hindi sila ganu’n ka-close ni Empress nu’ng pareho pa silang nasa ABS-CBN.
“Dati po, hi, hello lang. Friends naman po kami, pero mas naging close kami ngayon. Marami rin kaming bonding moment lalo na kapag nasa out-of-town kami.”
Inamin din ni Max na nai-intimidate siya sa galing sa pag-arte ni Empress.
“Na-intimidate po talaga ako, hindi ko itatago ‘yon. As in, sobra. Alam kong napakagaling ni Empress kaya mas na-inspire ako to be better and to do better. Kasi nakikita ko kung gaano siya ka-professional pagdating sa trabaho.
“Si Empress, isa siya sa mga best actresses na nakatrabaho ko. Ang galing niya talaga,” papuri ni Max kay Empress.
Kasama rin sa Kailan Ba Tama Ang Mali sina Geoff Eigenmann at Dion Ignacio.
La Boka
by Leo Bukas