MASASABING SUCCESSFUL na nga ang karir ni Max Collis (Isabel Abiera Collins sa totoong buhay) dahil sa sunud-sunod na project na ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network simula nang lumipat mula sa ABS-CBN.
Ten years old pa lang si Max nang magsimula sa kanyang career bilang commercial model at naging cover siya ng ilang mga magasin. Trese na siya nang madiskober ng isang talent scout nang magawi siya sa lugar kung saan may nagsi-shooting. Hanggang napabilang siya sa Star Magic Circle Batch 15 ng ABS-CBN. Dito na nagsimula ang kanyang showbiz career. Nabigyan siya rito ng mga project sa acting.
Nang matapos ang kanyang kontrata noong 2010, muli siyang bumalik sa California, USA kung saan siya ipinanganak. Makaraan ang isang taon, muling bumalik dito sa Pilpinas upang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. At this time ay si Perry Lansingan ng PPL Entertainment na ang kanyang naging manager. Lubusan na siyang nakilala bilang Kapuso star nang ipakilala na siya sa Party Pilipinas noong 2011. Sunud-sunod na project na ang ibinigay sa kanya.
Una niyang naging project ang The Good Daughter bilang best friend ni Kylie Padilla with Rocco Nacino. Nakasama na rin niya sina Dingdong Dantes at Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali. Naging lead star sa isang episode ng Maynila. Madalas din ang mga guesting niya sa iba pang mga programa ng GMA.
Ngayon naman ay first na niyang magkakaroon ng pelikula, at pang-international release pa. Ang Bamboo Flowers directed by veteran and multi-awarded director Maryo J. delos Reyes. Makakapareha niya rito ang isa sa mga Masculados na si Orlando Sol. Istorya na magbibigay-aral tungkol sa buhay lalo na ng mga kabataan, pag-asa at pag-ibig.
Sa totoong buhay, nagkaroon na rin ng kulay ang kanyang lovelife, ngunit ‘di nagtagal ay nagkahiwalay rin sila dahil mas pinili niya ang kanyang karir. Until now ay ‘di pa rin daw siya handang makipagrelasyong muli.
By Marialuz Candaba