NOVEMBER 24 magsisimulang umere ang bagong primetime series ng ABS-CBN na Dream Dad. Bida rito sina Zanjoe Marudo at ang bagong Kapamilya child actress na si Jana Agoncillo.
Kabilang din sa mga artistang tampok dito si Maxene Magalona. Ginagampanan niya rito ang character ni April Mae na katrabaho ni Zanjoe. At gagawin niya lahat para maakit at ma-hook ito.
Okey lang sa kanya na ang first project niya sa Kapamilya Network ay kontrabida siya?
“Yes! Okey na okey sa akin. Kasi dapat huwag tanggihan ang work. Dahil blessing talaga ‘yan. And of course, excited akong magtrabaho talaga, e. At saka talagang sobrang motivated akong magtrabaho. Now that I’m in a new environment. I’m with new co-actors. Alam mo ‘yong feeling na parang it’s your first day in school again. ‘Yong gano’n ‘yong excitement. Parang gano’n.”
Pero siguradong magiging hate siya ng viewers dahil sa malditang character na gagampanan niya?
“Okey lang sa akin ‘yon. Kasi kung walang kontrabida, wala ring kulay, walang problema, walang ano… And para sa akin, okey lang talaga sa akin na maging kontrabida, dahil ako ‘yong dapat huwag tularan ng mga taong naonood. Ako ‘yong magbibigay ng example na dapat huwag nilang tularan. And dapat i-avoid nila. Pangalawang beses ko nang mag-portray ng kontrabida role. Kasi dati ay nag-kontrabida na rin ako sa kabila. Mas bad ‘yong character na unang ginampanan ko dahil nananakit ako ng mga bata. Dito sa Dream Dad, malandi lang ako at maarte.
“Hindi ko akalain na malalagay na ako agad-agad sa isang bagong show ng ABS. Kaya sobrang thankful ako, sobrang happy. Kasi… gano’n. Hindi ko naman talaga kasi… wala po akong contract. I’m not under contract. So, nandito ako. And… guesting-guesting hanggang sa in-offer-an nila akong mag-MMK which I also auditioned for. Nag-audition din po ako para sa MMK na story tungkol sa isang nurse rapper. At ginawa ko na ‘yon. At ‘yon… napakalaking blessing na napakaganda ng feedback matapos itong ipalabas. And… iyon, ‘eto na. Napunta na ako sa Dream Dad.”
Walang inalok na kontrata sa kanya ang ABS-CBN. Pero bakit nag-decide pa rin siya na lumipat at iwan ang GMA?
“I want to grow as an artist. I want to explore. Gusto ko pang gumawa ng mas marami pang roles. At mas makatrabaho ang mas marami pang artista. Para rin… alam mo ‘yon? For a change of scenery.”
Since wala siyang contract na pinirmahan sa Kapamilya Network, open pa rin siya na gumawa ng project sa ibang istasyon o production outfit?
“Well para sa akin, I wanna focus muna dito sa ABS. Pero in the future… siyempre work is work. ‘Di ba? Blessing pa rin ‘yan kaya para naman sa akin. Eversince, as long as the script is good, the role is good, and the show is good, talagang hindi ako tatanggi. Gagawin ko.”
Per project daw ang usapan nila ng management ng ABS-CBN. May career program bang inilatag sa naging pag-uusap nila?
“Hindi ko alam, e. Parang more of ano lang siya… parang go with the flow. Let’s go with the flow. Ganyan.”
Bukod kay Zanjoe, sino pa sa ibang Kapamilya actors ang gustung-gusto rin niyang makatrabaho?
“Si Papa P (Piolo Pascual), nakaka-excite!” nangiti niyang sabi. “Kasi parang everytime nakikita ko siya talagang ang guwapo-guwapo niya. At napakagaling din niyang umarte. Of course, John Lloyd (Cruz)… hindi mawawala. Kasi fan na fan ako ni John Lloyd. Pinapanood ko ‘yong movies nila ni Bea Alonzo. At talagang gusto ko ring siyang makatrabaho in the future.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan