Maagang nagsimula ang araw ng mga beki na mahilig sa mga beauty contest tulad ng Miss Universe na dito ginanap sa atin. Marami nga ang natulog nang maaga noong Sunday night, para magising nang maaga dahil eksaktong alas-otso ng umaga ay nagsimula na ang live telecast.
Heto’t may hatol na at nanalong Miss Universe 2016 ang dentistry student na si Iris Mittenaere ng France. Sina Miss Colombia Andrea Tovar and Miss Haiti Raquel Pélissier ang nagwagi bilang second runner-up and first runner-up, respectively.
Pangalawang beses pa lang nanalo ng bansang France sa Miss Universe. Una ay noong 1953 na pinanaluanan ni Christiane Martel.
Ang Miss Philippines na si Maxine Medina, umabot lang sa Top 6.
Opinyon ng marami sa social media, kung hindi nagmatigas ng ulo ang kandidata ng Pilipinas at gumamit ng interpreter sa kanyang sagot, baka nakasagot ito nang mas may saysay at nakapasok sa Top 3. It was a smart idea raw sana na gumamit siya ng English language interpreter.
Tumpak si Miss Gloria Diaz na Lucy Liu (talunan) si Maxine, dahil ayaw nitong gamitin ang wikang pambansa.
Ngayong tapos na ang kaganapan, back to our regular problema na naman ang Pilipinas at ang mga Pinoy.
Reyted K
By RK VillaCorta