May Anak sa Pagkabinata ang Asawa

Dear Atty. Acosta,

MAYROON PONG a-nak ang aking asawa noong siya ay binata pa na itinuring ko na ring tunay na anak. Sa katunayan, tuwing bakasyon sa eskuwela ay nasa a-ming bahay ang kanyang anak. Wala po akong kakayahang mabigyan ng anak ang aking asawa kaya naman pumayag ako nang imungkahi ng aking asawa na kukuhanin niya ang kanyang anak upang sa amin na permanenteng manirahan. Ngunit nang malaman ito ng nanay ng bata ay hindi ito pumayag. Maaari po bang kuhanin ng aking asawa ang kanyang anak? Mas magiging komportable po ang buhay ng kanilang anak sa amin dahil mas malaki ang kinikita ng aking asawa kaysa sa nanay ng bata.

Neri

 

Dear Neri,

ANG PANGANGALAGA at pagkalinga ng isang anak ay parehong pananagutan ng kanyang mga magulang. Kung mayroong pagkakaiba sa desisyon ng mga magulang ukol sa obligasyong ito, ang desisyon ng ama ang masusunod maliban na lamang kung mayroong kautusan ang hukuman na nagsasabing ang desisyon ng ina ang masusunod (Article 210, Family Code of the Philippines). Mayroon silang obligasyon na alagaan at gabayan ang kanilang mga anak upang maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Tungkulin din nilang hubugin ang moral, mental at pisikal na karakter ng kanilang mga anak. Ngunit ang probisyon ng batas na nabanggit ay patungkol lamang sa mga lehitimong anak ng isang mag-asawa. Ang pangagalaga at pagkalinga naman ng isang illegitimate na anak ay matatagpuan sa Article 176 ng Family Code of the Philippines na inamiyendahan ng Republic Act No. 9255:

Article 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this code. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly recognized by the father through the record of birth appearing in the civil register, or when an admission in a public document or private handwritten instrument is made by the father. Provided, the father has the right to institute an action before the regular courts to prove non-filiation during his lifetime. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.

Malinaw na ipinagkakaloob sa ina ng illegitimate child ang solong pangangalaga at pagka-linga ng kanyang anak. Maaari lamang alisin sa kanya ito at mailipat sa kanyang ama kung hindi siya nararapat o hindi niya kayang mag-alaga ng kanyang anak (David vs. Court of Appeals, 250 SCRA 82). Kinakailangang mapatunayan sa hukuman na hindi karapat-dapat ang ina sa pangangalaga ng kanyang illegitimate na anak. Ayon sa Briones vs. Miguel (440 SCRA 455) ang ilan sa mga batayan ng pag-aalis ng custody sa isang ina ay ang mga sumusunod: neglect or abandonment, unemployment, immorality, habitual drunkenness, drug addiction, maltreatment of the child, insanity, and affliction with a communicable disease. Samakatuwid, hindi mapupunta sa iyong asawa o sa ibang tao ang custody ng kanyang illegitimate na anak kung wala sa ina nito ang anumang dahilan na makapagtitibay ng pag-alis sa kanyang custody ng kanilang anak.

Atorni First
By Atty. Persida Acosta

Previous articleMoving On
Next articlePara patunayang artista rin siya
Lito Lapid, umiyak sa teleserye

No posts to display