May bitbit na ‘peace offering’
Marian Rivera, personal na pinuntahan si Cristy Fermin

IKALAWANG TAON nang ipinatutupad ng kampo ni Marian Rivera ang “selective invitation” sa entertainment media.

Last Sunday idinaos ni Marian ang kanyang Christmas treat for the press as her way of sharing her blessings. Grand winner na nag-uwi ng P50,000 was Dinno Erece; samantalang a total of P43,000 sa tatlong ikot ng raffle ang nakuha ni (Ate) Len Llanes.

But the event was not intended for the general working press. Like last year, ang nagsasala ng mga iimbitahan lang ay ang manager ng aktres, si Popoy Caritativo. It seems that Popoy keeps track of those who write ill of his ward, hence, hindi welcome ang mga ito sa pagmumudmod nila ng grasya.

Kunsabagay, it’s Marian and Popoy’s call. After all, it’s their hard-earned money they are parting with the press.

Pero walang iniwan ang Christmas treat which is supposed to be shared and partaken of. Kung naging ugali na nina Marian at Popoy ang mamili lang ng mga reporter na pasasayahin, they are not, in effect, trying to win their opponents to their side.

Sila pa tuloy ang nagdedeklara ng giyera with their selective invitation scheme against those reporters who are simply doing their job. Makanti lang pala si Marian, out of grace na ang reporter?

Several months ago, “suki” si Marian ng mga kolum ng kaibigang Cristy Fermin, ke sa mga blind item o diretsong pagpapangalan sa kanya sa ‘di na mabilang na pagkakataon. Perhaps, Marian and Popoy realized how much effect Cristy’s write-ups had on them, hayun, sinadya mismo ni Marian si Cristy sa studio nang may bitbit na “peace offering.”

Too bad, hindi lahat ng mga kabilang sa entertainment media have names as big and powerful as Cristy’s. Even then, at least 10 of “inferior” heads can match the famous TV host-columnist.

INAMIN MISMO ni Vic Sotto na hindi pa siya handang pumalaot sa pulitika. In recent memory, putok na putok ang pagtakbo ng tinaguriang Festival Box-Office King sa pagka-mayor sa Quezon City. But he flatly denied it later.

“If I get into something, I want to give my 100%,” sabi ni Bossing sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, an entry to this year’s Metro Manila Film Festival.

Admittedly, kung natuloy raw siya sa pagpa-file ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) ay hindi niya ka yang pagsabayin ang serbisyo publiko at ang pagbibigay ng kasiyahan sa Eat Bulaga. To Vic, second skin na raw niya ang kanyang daily noontime show na wala siyang kabalak-balak iwan.

“Besides, Eat Bulaga is not just an entertainment show, it is also public service. Puwede naman tayong mabigay ng serbisyo sa publiko nang hindi pumapasok sa pulitika, ‘di ba?” katwiran niya.

Meanwhile, Si Agimat is his second time with Senator Bong Revilla, the first was two years ago. Naging mas magaan daw ang kanilang pagtatrabaho. Unang pagkakataon naman ni Bossing to work with Judy Ann Santos on the big screen.

Puring-puri ni Vic si Juday for her professionalism. “Kahit pagulungin pa siya sa disyerto sa tindi ng init, hindi mo siya mariringgan ng reklamo. ‘O, Juday, okey ka lang ba?’ Ang isasagot niya sa ‘yo, ‘Okey lang,’ kahit alam mong hindi siya okey,” natatawang rebelasyon ni Bossing.

Of course, moot and academic na ang nais ng bawat produksiyon na may kalahok sa MMFF: ang maging top grosser. Does Vic resonate this fact? “Lahat naman kasi ng mga festival entry, eh, mabibigat. Kaso, kami nga ang number 1, tapos, hindi naman kumikita ‘yung iba, hindi rin maganda. Ang festival na ito ay upang tulungan ang movie industry. Mas maraming kikitain, mas maganda para everybody happy,” pagtatapos ni Vic.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleKZ Tandingan, ibang-iba na ang dating
Next articleJobert Sucaldito, nayabangan sa asawa ni Lani Misalucha

No posts to display