May demolition job ba laban kay FDCP Liza Diño?

Liza Dino

AS OBSERVER sa mga kaganapan sa industriya ng pelikulang Pilipino lalo na sa kampo ng mga independent films; ang basa ko ay tila may demolition job laban kay FDCP Chairperson Liza Diño ang ilan na may disgusto sa ginagawa ng masipag na si Liza.

 
Mula nang ma-appoint as FDCP Chairperson, mas naramdaman ko ang gawa niya’t responsibilidad na inatang sa kanya kumpara sa mga nauna.
 
So far, bilang tagamasid sa mga kaganapan at sa mga nangyayari sa mga independent film producers natin sa kasalukuyan at iba’t ibang grupo; tila may ayaw na hindi um-ayon sa mga nangyayari gayon hindi naman sila nagpapakilala para i-identify ang sarili para maging “legitimate” ang mga ngalngal at disgusto nila.
 
Kuda kete kuda. Talk ng talk na nagpapakalat ng intriga at tsismis na ngayon, ang daming sumasawsaw na wala naman mukha na mapagkilanlan.
 
Parang sa social media na talk ng talk gayong dahil nakatago lang sila at hindi
mo sila seseryosohing dahil name handle o alyas lang sila mapapagkilanlan sa dilim; ang tawag ko sa mga ganung ngalngal ng ngalngal ay parang asong ulol na hindi dapat patulan.
 
May ilan na hindi pa rin maka-move on sa unang apat na pelikula na inihayag na ng MMFF 2017 Execom
 
Nilinaw na ni FDCP Chairperson Liza na hindi siya ang namumuno ng MMFF 2017. Bahagi lang siya sa likod ng MMFF 2017.
 
Maging ang FDCP’s Pista ng Pelikulang Pilipino na all-Filipino film festival na magaganap na next month (August 16-22) ay naiintriga na rin.
 
Kaya hindi mo masisisi si Chairperson Liza kung recently ay nagbitaw na siya ng kanyang litanya sa kanyang FB account: “Pista ng Pelikulang Pilipino was born out of an executive order proposal we submitted to the Office of the President to create a National Film Month—yes, a month-long celebration of PHILIPPINE CINEMA. In [observance] of Buwan ng Wika, we wanted to encourage our country to use cinema as a medium to celebrate our culture, our stories and everything that makes us Filipino,” pagkakasulat niya.
 
“PPP is a pilot project supporting this proposal—a nationwide week-long celebration timed exactly during Linggo ng Wika, where Filipino films will have an exclusive platform to be screened in ALL CINEMAS nationwide. It almost seemed impossible to get everyone’s support in this but we found ways—we partnered with theaters and government agencies uniting in the commonality that we are here together as stakeholders to promote good quality films. The intention is PURE—-to give ANOTHER exclusive platform to our local audience [with no competing] foreign films.”
 
Dagdag pa niya sa paglilinaw: “PPP has nothing to do with MMFF. Not even with the proposal of Sen. Tito Sotto. We submitted this proposal way before he put his in public.”
 
Bahagi pa ng kanyang  pahayag para sa mga hindi makakaintindi at nagpapa-labo ng isyu: “Imbes na makita ang kagandahan ng mas maraming plataporma para sa ating mga sariling pelikula, sinasabing kinakalaban ang MMFF at lalong hinihiwalay ang indie sa mainstream.
 
“Worse, it’s coming from people na galing mismo sa industriya natin.
 
“Marami sa pelikula natin ngayon ang hindi kumikita pag nahahalo sa malalaking Hollywood films. Karamihan, lalo kung galing sa independent production, natatabunan especially pag hindi nama-market ng maayos ang pelikula. Nalulunod sila against these Hollywood films during regular playdates. FDCP hopes to resolve that issue by clustering our films together para ma-encourage ang audience na manood.”
 
Ang Pista ng Pilipino ay magpapalabas ng 12 films na mapapanood ng mga kababayan natin sa mga sinehan nationwide.
 
Recenly ko lang napanood ang trailer ng pelikula ni Jaclyn Jose na “Patay na si Hesus” na laughtrip ang mga manonood.
 
Like ko rin ang 100 Tula Para Kay Stella na sa teaser pa lang ay sigurado magusutuhan ko na bida sina Bela Padilla at JC Santos at ang nagiisang horror movie na “Salvage” na bida sina JC de Vera at Jessy Mendiola.
 
Basta ako naloloka lang sa mga kaganapan. May mga tao pala talaga na hindi nakakaintindi na iba si Juan kay Mario o baka gusto lang talaga nila makigulo.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleKim Chiu, kasama sa pagsalubong ng birthday ni Xian Lim!
Next articleMAY ISSUE PA RIN? Kuwadra ni Marian Rivera, nilayasan na ni Andrea Torres

No posts to display