May Forever sa LizQuen

1 Liza-Soberano-Enrique-Gil 2 Liza-Soberano-Enrique-Gil 3 Liza-Soberano-Enrique-Gil 4 Liza-Soberano-Enrique-Gil 5 Liza-Soberano-Enrique-GilPhenomenal. Sa deskripsyon ng isang online dictionary, ang ibig sabihin ay highly extraordinary; exceptional; phenomenal speed. Sa ganitong adjectives siguro puwedeng idikit ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil, na mas kilala sa tawag na LizQuen, na akma nga para sa dalawa.

Walang nakapagsabi na ang tambalang LizQuen ay sisikat na ang lahat ay nagsimula lang sa isang palabas sa telebisyon.

Kung hindi marahil dahil sa kilig-serye na “Forevermore” ng dalawa, hindi nabuo ang tambalan. Pero prior to their first serye, sinubukan ang chemistry ng dalawa via the film “She’s The One” nina Bea Alonzo at Dingdong Dantes na puwede rin pala at may tamang timpla ang dalawa sa big screen.

Extraordinary na masasabi ang LizQuen. Dahil sa dami na rin ng mga naka-loveteam si Enrique mula nang magbinata ito, ang tambalan nila ng dalaga ang mas sinundan ng publiko. Kung maaalala pa, itinambal si Quen kay Julia Barretto noon sa isang late afternoon serye na hindi naman nag-click sa publiko ang samahan nila sa telebisyon.

Kaya nga after ng serye ng binata at ni Julia, nakalutang si Quen, hindi alam kung saan ipalalaot lalo pa’t kilala rin siya ng mga tagasubaybay ng lokal na showbiz bilang isang dancer, na tuloy, nahahati ang atensyon kung ano si Enrique Gil.

When the Kapamilya Network decided na bigyan muli si Enrique ng show, they decided na si Liza ang maging kapareha niya. Liza who is new and fresh and one the beautiful newbies in showbiz ay akma lang na maging kapartner ni Quen who is also considered one of the promising male star ng Kapamilya Network. Wala nakapagsabi na ang tambalan ng dalawa ay magki-create ng pandemonium.

Ang lokasyon nila sa Sitio Pungayan sa itaas ng Mt. Kabuyao na malapit sa Baguio City ay ginawa nila as home base ng fictional village na La Presa (na tirahan ng pamilya ng dalaga) ay naging by-word. Lumikha ng bagong tourist destination sa Cordillera ang serye ng dalawa.

Ang dating nananahik na komuninad ng mga tribung Ibaloi, hindi na lang pagtatanim ng mga gulay ang naging kabuhayan, kundi pati na rin pagtitinda ng mga gulay, strawberries, mga souvenir T-shirts na ang direct clients nila ay mga fans ng LizQuen na bumibisita sa La Presa na gustong maging bahagi ng “Forevermore” craze.

Nag-create ng traffic ang papunta sa “La Presa” na dati-rati’y mga truck lang naman na nag-aangkat ng mga gulay sa area ang pumapasok sa lugar. Pero with LizQuen’s “Forevermore”, nag-iba ang takbo ng kasimplehan ng lugar.

Sa katunayan, ang bilis ng mga pangyayari. Walang nakapagsabi na ang dating tambalan nila na isang test lang sa formula ng pagbubuo ng isang loveteam ay lumikha ng trend sa showbiz, na pati ang pangkaraniwang pamumuhay ng mga Pinoy, nagpapaka-LizQuen na rin ang peg.

Ang hugot line na “may forever” ay kabuntot ng pagnanasa ng publiko na hindi lang dapat nagtatapos ang pagmamahalan nina LizQuen sa serye nila.

Kaya nga wise decision sa Star Cinema na sundan ng isang pelikula para patunayan kung gaano talaga kalaki ang fan base ng dalawa.

“The Breakout Love Team” ang taguri sa LizQuen. Wala kasi nakapagsabi na ang tambalan ng dalawa ay magiging isang malaking loveteam ng industriya. Akala nga ng mga taga-Kapamilya Network, pang-telebiyon lang ang dalawa na nang mag-decide ang Stat Cinema na i-launch officially ang love team nila sa big screen via the movie “Just the Way You Are” na naunang ginawa ng dalawa bago pa man nagtapos ang serye nilang “Forevermore”, ang lahat ay nabigla sa lakas ng positibong epekto sa publiko ng samahan ng dalawa.

Kaya nga timing lang ang showing ng pelikula nila nang matapos ang kilig-serye nila na ang may mga “Forevermore” syndrome pa ay lalong nagsaya dahil sa unang project nila on the big screen na kanilang-kanila mismo ang pelikula.

Pero nabitin ang mga supporters nila. They want more. Kaya nga kahit katatapos lang ng pelikula nila; after nilang mag-promote overseas ay isinalang kagad sila sa pelikulang “Everyday I Love You” with Gerald Anderson na lalong nagpatibay sa loveteam nila at nagpatunay lang na made na sina Liza at Enrique, at ang LizQuen love team nila ay tunay, totoo at matibay na.

Ang negatibong reaksyon ng publiko sa kaganapan on board a flight to London ng grupong ASAP noon na kinasasangkutan ni Quen, akala ng marami ay makaaapekto sa karir ng binata at sa tambalan nila ni Liza, pero thank God, nang mag-sorry ang binata, napatawad siya ng public at ng mga fans nila dahil sa ginawa niya, reason why their second movie na “Everyday I Love You” was a big success.

Now, it can be told, sina Liza Soberano at Enrique Gil at ang tambalan nilang LizQuen ay extraordinary, exceptional, at phenomenal dahil sa isang iglap lang, ang LizQuen as isa nang by-word sa showbiz and hopefully, ang tambalan on screen ng dalawa ay hindi lang pang-showbiz kundi for real na rin.

Bagay naman sila, ‘di ba? Hindi nga ba’t naisulat ko na rin noon na ang tambalang LizQuen, parang opium na sa sandamakmak na problema ng bayan, sila ang pampalimot saglit sa mga pagtitiis at paghihirap ng sambayan.

Ni RK VILLACORTA

Previous articleVice Ganda, The Phenomenal Star
Next articlePhenomenal AlDub

No posts to display